Tuesday, August 5, 2008

Payong

Chapter 2
Part 7

Madilim ang kalangitan, basa ang lansangan, maraming mga tao. Ito’y ginalugod ko at nilakbay ko ang kahabaan ng kalsadang iyon, mga nagsisikipang daan na naroroon ang samut-saring mga tinda, pananamit at pagkain. Ang mga paa ko’y basa na habang malakas ang hangin, ang kaisipan ko’y nahalina na sa kahahanap sa kanya, ang pitaka ko’y kakaunti ang laman. Sa lansangan ay nagmumula ang paghahanap ng mga bagay-bagay na wari ay hindi makita ngunit idalangin mo, may mahahanap ka rin ngunit minsan ang tadhana ay sadyang mapagbiro at mapaglaro, hinahawakan ang palad, ginuguhit ang mga linya at ang mga mata mo’y maging mulat man ay sarado sila. Ang lahat ay kakaiba, ang lahat ay may nakalaang oras, may simula at katapusan. Halika at ako’y samahan kung saan ako’y dumalaw at tinahak ang lugar na iyon. Naririnig mo ba ang ihip ng hanging dala ang ambon sa langit, maging ang hampas nito sa iyong payong, ang lamig na dumadapo sa iyong damit, ang bawat galaw nila na kung iyong papansinin ay minamadali ang oras. Bawat patak ay kapansin pansin, ang itsura nito ay tubig lang. Hinanap ko sya sa loob ng simbahan, nilibot ko ang pintuang daan papalabas at papasok, hanggang sa aking makita ang matagal ko nang inisip. Walang pagdadalawang isip nang siya’y aking lapitan, walang panganib na nakaambang, ngunit ang balakid na panahon ay hirang na. Hinabol ko siya at muntik na magkalayo ng landas, ngunit ang aking mga mata ay nagbadya ng kagandahan. Hindi ko alam ang sasabihin ko, parang isang estudyanteng hindi alam ang isusulat sa papel at nang ako’y naglakad na ay sinabi ko ang mga bagay na ukol sa kanya at sa akin. Sinamahan ko siyang mamili ng damit para sa araw ng wika at nang magkagayon ay naisip naming umuwi at tumuloy sa kanyang tirahan. Isang guro sa elementarya ang aking nakilala at nakasama ng araw na iyon ngunit ako’y nakikipag-usap lang sa ordinaryong tao na walang pinagkaiba sa alin mang tao sa lupa, naisip naming sumakay ng kalesa dahil sa may kalayuan din ang kanyang tirahan at habang kami ay nag-uusap, biglang umulan ng malakas, umihip ang hangin at ako’y nabasa.Nang kami ay makauwi na, inihanda namin ang mga pagkain at sinayang mga oras doon, nagkwentuhan at inalam ang mga bagay-bagay. Habang kami ay nagkakasiyahan sa kwartong iyon, makalipas ang oras, biglang may kumatok at kagad na pinagbuksan naman ng pinto ng guro na aking kasama, nagsabi ang matandag babae, “ipagpaumanhin mo ang aking panghihimasok ngunit hindi ko pinahihintulutang tumuloy ang mga lalaki dito”. Sa sandali pa’y napilitan akong umalis na at samantalang gabi na nang oras ding iyon. Ako’y sinuyo ng panahon, ako’y inasar ng malamig na ihip ng hangin at mga ambon, pinaglalaruan ng ulap at tinaksil ng gabi. Nagpaalam ako at umalis ng bahay, tinahak namin ang daan at narito nanaman ang bagay na di kaaya-aya gaya ng aking binanggit sa una. Tumigil kami sa sandali at nagpalitan ng salita na kakaunti lamang, ngunit ayaw papigil ang ulan, ang hangin, ang gabi kung kaya’t minarapat kong ihatid sya karwahe at upang maunang umuwi sa kanyang tirahan. Sinusubukan ng panahon ang aking pasensya ngunit ang pagtitiis ay naririto sa akin, anung magagawa sa akin ng panahon kung aking mapaglilingkurang mabuti ang bagay na ninanais ko. Muli ko nanamang tinahal ang malayo at mahabang daan at sumakay sa karwahe, ako’y tulala at walang imik, walang pinansin na anumang bagay sa paligid, maging ang mga bagay na naging kaaya-aya sa aking pita ay hindi ko pinansin ngunit bakit, bakit ganun ang aking inasal sa aking paguwi. Bitbit ang payong nang siya’y aking kausap hanggang sa paghatid at ito’y aking panilbing magandang loob sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ang huling magiging asal nang ako’y makauwi na, tila balisa at hindi alam ang gagawin ant habang sinusulat ko itong mga ito ay ganun parin sa ilalim ng gabi ant ang payong ang hawak ko nang ako’y naging malungkot sa araw na iyon.

Ang aking tula sa aking unang pag-ibig

Chapter 2
Part 6

At nang maalala ko ang aking nakalipas na pag-ibig, ang aking unang pag-ibig, naalala ko ang mga nakaraang nakalipas na ako’y nasa disenteng pananamit, nang siya’y aking makilala, naglalagablab na damdamin, ang mga oras ay hindi sinasayang maging sa umaga, sa tanghali, sa hapon hanggang sa sumapit ang kabilugan at liwanag ng buwan. Naalala ko rin na sa bawat dagok ng masamang kapalaran, sa kapuotan man o kabaitan, binatid ko na sa bawat galit o puot sa damdamin ay lilipas din. Naalala ko na sa aking unang pag-ibig ay may dala-dala akong isang rosas, isang matinik at mapulang rosas na isinasaysay ang batid ng aking pag-ibig, ang mga bagay na hadlang sa amin na siyang binabasag ko, ang tamang pananawang magsabi ng salitang “mahal kita” na tila ginto sa aking pananaw at sa huli ay tinula ko ang tulang ito….

Gaano nga ba katimbang ang magsabi ng, “Mahal Kita”

Ako’y gagamit ng aking maitim na kabayo

at hahamak sa mga kailaliman ng mga matataas na ulap.

Ito’y bunga ng aking pusong nasasadlak

sa iisang bunga na maaari kong pitasin at malasap.

Sa giliw kong ito o tila ang puso’y sumigla

ako nga ba’y isang bulag na may mata

o aking hinahanaphanap ang di nakikita?

Tila isang lathalain na nasusulat sa dingding na di’ mabasa

na siyang nais mabigkas ang hindi mabigkas.

Anong makatutulong sa akin na ito’y masabi?

Malibang ako’y gumawa ng hagdan upang masungkit ang bungang di pa umiibig.

Ako’y maparirito sa iyo na waring magnanakaw

sa kaibuturan ng iyong mapula sa pagdungaw.

Sa umaga’y ikaw nga at sa gabi ako’y ibong kumakanta.

Hindi pa naparirito ang aking kalasingan

kaya’t pagsisikapang ikaw ay mapangiti.

Libutin man ng aking kaalaman ang ikaw

na di mapaparang ng ninuman sa mundong ibabaw.

Kauhawan ko sa malalim na bugtong at sa akin ay may bumubulong.

Umuugong ang lupang may yapak mong malabong

at samantala’y ikaw na kasama pa ay napagsamantalahan.

O anong lihim mayroon ang isang tulad na salita?

Walang katulad o kapares man kahit hanapin ay di makita

sapagkat hindi nasusulat na maaaring uliting ilathala

ang malalim na salitang nais sabihin at matalinghaga.

Ilihim ko man, may tumutulak sa akin ay ako nga

na siyang makapagsasabi sa lihim ay ikaw nga.

Sa matatayog na alapaap o ulap ay maisumpang mahal kita.

Ang huling taon ko sa Kolehiyo

Chapter 2
Part 5

At mula dito, ay masasabi kong marami akong nakilalang mga tao ngunit lumilipas ang panahon, isang linggo o dalawa o tatlo o apat; dahil dito ay hindi ko sila nakikilala sa paglipas ng oras. Lumipas ang buwan hanggang sa nakilala ko si Melisa beinte anyos ang edad, isang maputing babae at marahil ay mas mataas kay sa akin, siya’y nananatili sa kanyang magulang at kapatid sa bansang Australia. Hiniling ko noon na magkaroon ako ng matinong kausap at hindi tumitingin sa pagkakaiba ng mga tao; maging mahirap man o mayaman, maging maputi o maitim, siya’y mapagkumbaba gaya ko, siya’y estudyante na gaya ko. Si Melisa ay aking kaibigan mula ng sa buwan ng Hunyo at paminsan minsan ay naguusap kami at binibigyan pansin ay mga bagay-bagay na hindi pa namin nalalaman gaya ng usapin ukol sa kani-kaniyang sarili at pag-ibig maging sa usaping pang pamilya ay hindi hadlang sa amin ang mag-usap at magkaroon ng mahusay at magandang pakikipagtalakayan sa isa’t-isa. Minsan na din naming napag-usapan ang ukol sa aming damdamin at dahil sa ako’y isang romantikong tao at mabait, may prinsipyo’t dignidad, may tapang at bukas ang isipan ay naitanong ko sa kanya kung ano ang hinahanap nya sa isang lalaki kapag siya’y ganap na indibidwal na at malaya. Sumagot sya ng ayon sa aking damdamin at gayu din sa hinahanap-hanap. Nais niyang magkaroon ng magandang buhay at pamilya, nais magka-anak sa iisang tao na kanyang iibiging tunay.Sinabi nya rin sa akin kung ano ang gusto nya at binanggit nyang gusto nyang yung taong mapagkumbaba, maibigin at may oras sa kanyang magiging asawa at naghahangad ng maayos na pangkabuhayan kahit na siya’y kayumanggi o maputi. Pinilit ko pang magtanong ngunit hindi ko nabanggit ang iba pa kung kaya’t minarapat kong tanungin sya ng halimbawa lamang at ang tanong ay ganito, “paano kung sabihin kong gusto kita at gusto morin ako ngunit hadlang ang lugar at layo ng landas natin sa isa’t-isa, kaya mo bang bigyan ng pansin ang akin damdamin?”, at ang sinagot nya ay ito, “hindi ko alam ngunit gusto hindi ibig sabihin nito na ayaw ko sayo at kung sakaling magkalapit lang tayo ng kinaroroonan ay walang imposible sating dalawa”. Natuwa ako sa kanyang sinserong sagot na bagaman ako’y hamak na maliit na tao ay may magandang puso ay hindi hadlang para iparating sa kanya ang aking munting nararamdaman sa maiksing panahon mula ng siya ay aking makilala at Nalulungkot dahil sa kalayuan ng landas namin sa isa’t-isa ay mahirap nga talaga ang humiling ng basta basta lamang, hiniling ko na makausap ang katulad nya at marahil ay wala ng susunod bukod pa rito. Naniniwala parin ako na malayo man ay kaya kong marating ang sing layo ng kanyang kinaroroonan. Madalas kaming naguusap sa kada uwi ko galing sa Unibersidad at hinahabol ko ang oras para lamang makipagusap sa kanya ay makita sya. Gusto ko siyang maging asawa. Minsan narin siyang nilamig ng kanilang panahon, binigyang pansin ko naman ito at upang masabi ko ang aking gustong iparamdam, nais ko siyang bigyan ng mahigpit na yakap at mainit na halik sa kanyang labi. Ang kanyang mga ngiti ay nagsisilbing hudyat na pagsaggot na oo. Ang bawat salita ay may kasabay na halik na gaya sa aking nakalipas na pag-ibig, oo sa aking nakalipas na pag-ibig. Gusto ko siya na maging ina ng aking magiging anak; marahil ay kambal sapagkat yun din ang nais niya. Ano kaya kung ako’y maging ganap na mayaman at kayang bilhin ang mga mamahaling bagay, kayang marating ang mga malalayo at kayang bisitahin ang nais puntahan, kaya nya kayang ibigay sa akin ang salitang “mahal”? Ang mga salitang binanggit ko ay tunay, ang bawat pangyayari, ang mga oras na aming pinagsaluhan bawat gabi ay kawiliwili. Ang aming pag-uusap ay magiging matagal habang sa kilala nya ako at kilala ko sya.

Tuesday, May 27, 2008

Sunday, May 25, 2008

Ang papalapit na buwan ng Hunyo

Chapter 2
Part 4

Isang panibagong buwan nanaman ang paparating,
buwan ng hunyo at ang lahat ay magiging ibang muli,
ang mga kabataan ay magiging abala sa kanilang pag-aaral
at habang ang iba naman ay magiging abala sa takdang aralin.
Buwan ng hunyo kung saan paparoo't parito ang mga tao, sila'y
walang inaaksayang oras, sila'y nasa kanilang tungkulin.
Ito ang panahon ng pagiging matino sa eskwela, pagiging
masunurin kay maestro, masusi ko rin naman pinag-aaralan
ang mga bagay-bagay sa loob at labas ng kwarto at
anumang ituro ni maestro ay aking itatanim sa isipan ko.
Handa na akong harapin ang mga panibagong pagsusulit,
ang mga panibagong aralin, ang mga panibagong kaibigan
at magiging kaklase sa eskwela. Isang panibagong yugto
ng aking buhay at marahil ay magiging abala rin ako sa
aking mga aralin at ayaw ko rin namang mag aksaya ng
panahon hanggang sa ang trabaho ko ay hindi pa natatapos,
ang lahat ng aking mga trabaho ay hindi maaaring maabala
hanggang sa ang aking layunin ay hindi ko pa naaabot.
Naalala ko noon noong ako'y nasa mataas na paaralan,
aking binubunot ang sahig, kanila akong tinatawanan,
inaalimura palibhasa ay ganun na lamang ang aking pisikal
na katayuan sa buhay, ang polo ko'y manipis at naninilaw na.
Hindi ko din alintana ang bawat bulong ng mga kaklase
ko sa loob ng kwarto, akin lamang ginagawa ang trabaho,
ang utos, ang layunin at sa ganitong paraan ay natuto akong
makipag laban at humarap sa anumang pagsubok sa buhay.
Ang lahat ng aking pagtitiis sa mga gayung bagay ay resulta
ng pagiging matiyaga, mapagdasal ng pangangailanang pang
espiritual, determinasyon at disiplina. Ito ang naging pundasyon
ng aking tapang upang mailathala ko ang mga bagay-bagay
na literal at di literal. Naalala ko rin naman nang ako'y nasa
elementarya pa lamang, ako'y isang aktibong mag-aaral at
may katamtamang dunong, ako'y maabilidad at naging pinuno
ng isang samahan sa eskwelang aking pinasukan. Palibhasa'y
tahimik ako sa kwarto, masayahin at palakaibigan, walang iniisip
na masama o mangyayaring masama man ay kanila naman
akong niyuyurakan sa loob at labas ng kwarto at oo lumipas
ang ilang araw ng aking pamamalagi sa eskwela ay may
nagtangkang suntukin at bugbugin ako, palibhasa'y malaking
tao at siga sa loob ng kwarto. Nangyari ngang nilabanan ko ng
manu-manong suntukan ang batang lalaki, isang suntok ang
biglang sumugod sa akin ngunit ako'y nakailag sa suntok na iyon
at palibhasa'y mabilis at malakas akong sumuntok ay binigyan
ko siya ng isang pitik na suntok ngunit hindi siya natinag
hanggang sa gumanti muli ang lalaki at swerte naman akong
nakailag sa suntok niya at palibhasa'y mahina siya ay ako
naman ang gumanti hanggang sa siya ay nanahimik.
Ipinaglaban ko rin ng suntukan ang aking kaibigan sa
labas ng eskwela, isang maliksing bata, matapang at
tahimik ngunit may pagkahambog. ang aking kaibigan na si
dandan ay isang maitim na lalaki, isang tahimik at mabait na
bata, isang matalino at masunurin sa magulang, ang kanyang
ina ay isang guro at kaibigan ng aking ina. Lumipas ang ilang
oras hanggang sa sumapit ang oras ng uwian sa klase, palibhasa'y
bata ay bumili ng laruan na kanyang matagal ng nais bilhin at
laruin at narito na nasalubong namin ang kanyang kaklase ay
pinilit na inagaw sa kaibigan ko ang laruan at palibhasa'y iyakin
ang aking kaibigan at natakot sya na baka siya ay bugbugin ng
isang maliksing bata. Di naglaon ay pinagtanggol ko ang aking
kaibigan at kinuha ko ang laruan at ibinigay sa aking matalik at
kaisa-isang kaibigan na si dandan. Sinunggaban ako ang suntok
sa mukha hanggang sa ako'y muntik na matumba at agad din
naman akong gumanti ng suntok ngunit hindi pa doon natapos
ang kwento ng aming away, nagsakitan kami hanggang sa
nakita ko ang stansa na masakal ang kanyang leeg sa pamamagitan
ng aking kaliwang braso paikot sa kanyang ulo at di naglaon ay
ginulpi ko siya hanggang sa inawat ako ng kaibigan ko ngunit
hindi ako nagpigil sa paggulpi ko sa kanya sapagkat siya'y
masamang bata. Dinampot kami ng may kapangyarihan ay
dinala sa loob ng isang opisina kung saan dinadala ang
masasamang tao, kung saan dinudulog ang bawat reklamo.
Tinanong ako ng maykapangyarihan at nagpaliwanag sa harapan
niya; aking sinabi na ipinagtanggol ko ang aking kaibigan
dahil kinuha niya ang laruan nito sa kanya.

(itutuloy.....)

Alexis 1960

Saturday, May 24, 2008

Friday, May 16, 2008

Hindi Mapakali

Chapter 2
Part 3

Natapos ko na ang aking mga pagtitiis sa mga nakaraang hapon, umaga,
gabi ng nakalipas na taon at ngayon naman ay aking masisilayan ang panahon
ng tag-ulan at tag lamig. Aking hinahanap hanap ang mga bagay na makapag
bibigay aliw sa akin, sa aking piling; oo pati narin ang mainit na pakiramdam
ay akin din namang hinahanap hanap. Narito, isang lalaking nag ngangalang
buchoy ang hindi mapakali sa panahon ng tag-lamig at tag-ulan, nais ng
kanyang mga paa na lumakad lakad sa daan, sa malalayong lugar kung saan
hindi sya matatanaw ng kanyang magulang, ng kanyang mga kaibigan, ng
kanyang pagkabalisa, kung saan sinisilay silay nya ang bawat sandali ng
kanyang kabataan at kanyang nililibang ang bawat oras na sa kanya'y
dumating. Pumaparito't paroon siya sa bawat gabi, oo ang kanyang mga
mata'y nakakarating sa dakong kanan maging sa dakong kaliwa, maging
sa dakong harapan at likuran. Isang leon na nais sumila ng laman sa gabi,
may mga matatalim na mata, may liwanag ang kanyang mga mata sa dilim.
Isang mapusok na nilalang sa gabi, isang tahimik sa araw, siya na nagnanais
na tumikim ng isang babae, o marahil ay dalawa nang sa gayun ay makontento
at hindi mapakali sa panahon ng tag-lamig. Ang mga kaba sa kanyang dibdib
ay iba sa kaba ng nakalipas at sa panahong iyon ay mananatiling mapusok sa
gabi, sa laman, isang maninilang leon hanggang sa ang panahon niya'y hindi natatapos.

-Alexis 1960

Friday, March 28, 2008

I took the night

I took the night



I took a gloomy night, an icy place to the bottom

of the moon’s flare.

The wind lashes cheek and at eyes,

and so I lay beneath it and gazed the moonlight.

I wondered if something surrounds me,

but yet I took the night with my loneliness

and I wondered how the hush seemed

to be afton but yet I took the night with my tough

consciousness. I heard music and it uttered stale reverie,

and yet I took the night with a

reminisce. I am a captive a captive of my heart’s fear,

of my fancy night, of a cold wind

and of a sweet song. On raise whisphered tender,

on raise stars whisphered softly and yet

i took the night boldly and camly. There is a wonder

of a song to the flow of wind and

there is a wonder of the evening to the flow of sweet smile.

I took the night a simple and

noble but yet i took the night with an obscene consciousness,

and thereof i had to. Once, i

trangressed the night, trangressing the shadow of a doom.

There he is a tyrant, a tyrant is

me. Once, i took the night and a night turned to a harsh despair.

No more nightmare, daymare, aroint thee, aroint thee.

-Wilfredo Bolbes

A thorn in my heart

There is a thorn in my heart



I humbly bow to thy womb and crawls unto my body, the coldness.
There's an embrace of tears in my eyes, and there's an annoying sound.
I don't know who the night is.

I have waited the long miles walking, i have waited till sweat drops.
I have waited with the pain; the thorn nor spine in my heart.
Not i decieve myself, not i decieve my caress of affection.

Cleaved to the moon, such eyes of an innocent.
Cleaved to the dessert, such feet to the muddy.
I divulge my sobriety unto you; my devotion unto you.

I am a bee, to my finest beloved.
I am a flower, waiting to be picked.
I am a mime, seeking for attention.

She that matters the most will not remember me.
She that i prayed will not stay beside me.
I yell to the crowd what i felt, for what i feel.

I have seen no drops of rain, nor stream of the sea.
I have felt no air of the breeze, nor lash to the seashore.
Perhaps i'm all alone though thirst, perhaps i'm lonely though my warmness seems none to her.

-Wilfredo Bolbes

Sunday, March 9, 2008

Ako at ang Matandang lalaki sa Tabing dagat.

Chapter 2
Part 2


Sa kasalukuyang panahon, isang binibini ang aking
nagustuhan kahit sa sandali ng pamamalagi sa lugar,
binihag ako ng kanyang kasimplehan, may mga hiyas sa
kanyang katawan, may magandang korte ng katawan, isang
pilibusterong binibini, sa kanyang mapupulang labi, ang kanyang
bilugang mga mata, ang kaibig-ibig na kilos. Kinabukasan
ay nabanaag ko, isang labong ng bulaklak na dala ng binata,
tinitigan ko lamang sila at hindi kumibo. Hindi ako kilala
ng dalagang iyon, isa syang magandang dilag sa aking paningin
at tangi kong inaalala kung ano ang pakiramdam ng
pagkakaroon ng isang nililigawang irog o magkaroon ng
isang kasintahan. Tumitingin lamang ako sa paligid, bawat
lakad at hakbang nila ay aking pinagmamasdan, sa isang
tahimik na lugar, nakaupo ako sa tabi at hinihintay ko
ang paglabas ng binibini sa kainan kasama ng kanyang
binata. Kinaiinggitan ko ang lalaking iyon, gusto ko
syang suntukin at itulak palayo o ihagis sa dagat, batukan
at kunin ang kamay ng dalaga. Ipinakikita naman ng aking
kilos na nahihiya akong tumingin sa mga mata ng dalaga.
Akin ngang sinabi, "sana ay pansinin nya ako kahit man lang
bigyan ako ng isang sulyap ay sya nang ikatutuwa ng aking
damdamin". Hinintay ko ang bawat sandali atdi naglaon ay
pinagbigyan ako ng tadhana sa aking kaliit-liitang hiling.
Sa oras ding yaon ay tumingin ako sa malayo, tangi kong
tinitingnan ang sinag ng araw sa banig ng dagat sa katahimikan
nito, ngunit sa pagkakatagal na pagtitig sa paglubog ng araw
kasabay ang walang hudyat na pag-papaalam ng dalaga,
walang iniwang ngiti, walang iniwan ng bakas ng pagsulyap,
walang iniwang bango ng kanyang katawan, wala. Hindi ko
alam kung ano ang susunod kong gagawin sa tabing dagat,
sa aking pananatili, o kung akin bang lilisanin ang lugar
sapagkat wala na ang dalaga sa lugar o mananatiling maghihintay
ng panibagong nginti at sulyap. At sa paglipas ng oras ay
unti-unti rin namang dumarami ang mga tao sa lugar,
palubog na ang araw at narito, isang matandang lalaki na
may dala-dalang pamingwitat mga pain. Pumili sya ng lugar
at naupo sa buhanginan malapit sa aking kinauupoan.
Kanyang inihanda ang pamingwit at nilagyan ng pain sa
kawit, kanyang inihagis ito sa malayo at naghintay ng ilang
sandali. Nagmuni ako, nag bakasakali, nag hintay ako, at
heto hinihila ng isda ang kawit at pagdakay tumayo ang
matandan at nang hinila nito ang kanyang pain ay wala
akong nakitang isda ni maliit na isda. Ikalawang pagkakataong
ay nilagyan nya ito ng pain sa kawit, inihanda at inihagis sa
malayo, umupo ang matanda at tumingin sa malayo, tanging
ako lamang ang nanonood sa matnda kung paano pagtiisan
ang paghihintay sa paghuli ng isda gait ang katutubong
pamingwit na gawa sa isang kawayan at tali. Muling may
isdang humila sa pamingwit at pagdakay tumayo ang matanda
at unti-unting hinila ang pamingwit, walang reaksyon ang mukha
ng matandang lalaki. Tanging nagpapatatag ng kanyang
pagtitiwala ay ang kaalamang hindi maaaring mawalang ang
mga isda sa dagat. Sa ikatlong pagkakataon ay nilagyan na muli
ng pain ang kanyang pamingwit at inihagis sa malayo, siya'y
umupo habang lumubog na ang araw. Sa pagkakataon na iyon
ay hindi nawawalan ng pagtitiis ang matanda. Swerte ang matandang
lalaki kung isa man lang na isda ang mahuli ng kanyang pamingwit
umabot ng ilang oras ang paghihintay at pagtitiis ng matandang lalaki.


Alexis 1960

Monday, February 25, 2008

Alexis in year 1960 chapter 1 "Maligayang Lakbay"

Maligayang Lakbay

chapter 1


Damdaming napapagod at nasasaktan. Pinipilit na ibangon ang mga tuhod mula sa kahirapan, at sa pag-iisa ay tahimik ang aking paligid iniisip ko kung papaano at ano ang aking gagawin. Pinipilit alamin kung bakit ganito ang naging aking buhay sa ngayon, natatanong sa sarili kung ano ba talaga ang gustong mangyari sakin ng Panginoon ko. Ayaw kong mabuhay ng walang dahilan ngunit sa pagsisikap kong malaman ang ganitong aspeto ay minarapat ko nalang hayaan ang tadhana na gawin ang kanyang mga balakin sa akin. Kalungkutan sa araw at gabi, katahimikan sa bawat oras. Hindi makatulog sa gabi sapagkat dinadalaw ako ng kung ano. Panalangin ko na sa abot ng aking makakaya at pagiging matapang ay malampasan ko ang hirap ng aking kalagayan. Puno na ang damdamin ko ng luha at nakita ko ang aking mga luha buhat sa langit na syang bumabaha sa lupa. Ayaw kong umiyak sa dahilang kinikimkim ko ang aking kalungkutan at pagdadalamhati at hinahayaan na mahupa ito. Kinakausap ang sarili bunsod ng pag-iisa, di makasalo ng iba sa ganang aking larawan. Hinahayaan ang puna ng bawat tao. Gaya ng aking ama na tinatapakan ang pagkatao ng mga nagsisilakihang pangalan sa baryo. Animo'y may pinag aralan nga't walang prinsipyo. Ang aking ama ay may prinsipyo gaya ko rin naman na matapang ang kalooban. Ginising ako ni ama upang alamin kung ano ang ibabayad ko sa kailangan ko at hindi naman ako nag atubiling sumagot sa kanya at pag dakay inabot ang perang dalawang libo ngunit nakikita ko sa mga mata nya ang mga luhang ayaw bumagsak upang di ko masaksihan ang kahirapan sa kanyang nararanasan. Alam ko kahit hndi nya sabihin dahil anak nya ako, bakas sa mukha nya ang hirap ng pagtitiis sa pang aapi ng mga tao sa kanya at sa tuwing nalulugmok at nalulungkot ang kanyang pag-ibig ay gayun din ang nararamdaman ko. Masakit isipin na kami ay apiapihan lamang sa harap ng tao ngunit batid ko na sa ganang kakayahan ay ipinamumungkahi din namin sa lahat na may silbi rin kami sa lipunan. Tinanatong ko ulit sa umaga kung bakit ganito ang pagising sa akin ng tadhana, ano ba talaga ang gustng mangyari sa amin ng panginoon ko. Masakit masaktan sa kamay ngunit mas masakit sa damdamin kung makikita ko ang aking minamahal na nalulungkot, aalis ako sa umaga at maghahanap ng panibagong gawain sa dahilang kinakailangan ang utos ng aking magulang para sa kinabukasan namin. At ng natapos na ay nangyari ang sumunod na araw.. Umaga nanaman at nagmumuni, sa malayong silanganan ay inalala ang nakaraan. Napansin kong maraming mga dalagang naggagandahan, kanilang ipinabungad ang balat ng porselana sa madla, kanila rin namang ipinabungad ang pagpapasikip ng kanilang mga suso. Alam ko ang layunin nila, bakit ka mag mamaganda sa madla kung wala kang motibo at sa may di kalayuan ay may mahangin na ihip sa dakong kaliwa ko at harap. Hindi ko sinadyang makita ang kanilang mga hita bagaman wala akong ginagawa, yumukod ako sa likuran. Pinalilibutan ng maraming dalaga na may mga kolerete sa kanilang katawan, hapit ang damit at hapit ang pantalon, bakas ang magandang hubog ng kanilang katawan, may mga mapupulang pisngi at ang mga labi, may mababangong ligaya. Gusto kong tikman ang isa at pagkatapos ay ang isa rin naman, gusto kong matikman ang sarap ng ligaya sa sandaling oras, isang oras o hanggang limang oras ay ang paghahambog ko. Maalindog ako pag dating sa romansa at pinang gigigilan ko ang babaeng may pamigkis sa susong malaki, habit at bakas ang magandang hubo ng katawan ngunit inisip ko na pagkatrapos kong man na gawin iyon ay anong mangyayari sa akin. Ganun parin at walang magandang mangyayari, mararamdaman mo lang ang ligaya sa sandali ngunit hnidi ang tunay na hinahangad ng magandang puso.

Ayaw ko itong gawin pero narito ang demonyo sa paligid at naghahanap ng kanyang masisila at makakasama sa impierno. Sa kabila ng lahat ng ito, nag titiis ako hanggang makahanap ako ng isang birhen sapagkat siyang kapuri-puri magpakailanman at bukod dito, nais kong baguhin ang kabataan ko at magsimula ng panibaong buhay ngunit humahadlang ang tadhana sa balak kong ito. "Bakit kaba ganyan Alexis?", ito ang tinatanong ng konsensya ko. "Ano ba talaga ang gusto mo, magbagong buhay habang bata pa o magpakasawa muna habang bata pa? sabi mo noon sa sarili mo nais mong magbago pero hindi naman pala natutupad bunsod ng maraming tukso at pagkakaabala sa isip mo". "Tila marami kang gustong mangyari sa buhay mo at hindi mo maintindihan ang mismong nilalaman ng iniisip mo!." Minsang naitanong sa sarili na, "kung mamamatay lamang ako ay ayaw ko namang dumating sa oras na mamamatay ako sa sarili kong kamay". Sinabi ng sarili, "gusto kong ilibing ang aking katawan at mag pahinga na lamang kung wala rin namang akong kabuluhan sa lupa, gusto kong bumalik sa alabok, gusto ko sanang kunin ang kaluluwa ko ng Pangioon ko, gusto kong maging alagad ng kabutihan pag akyat ko sa langit". Malamig sa akin ang gabi, di ko mahawakan ang malambot na hangin, tititig nalang ba ako sa ulap upang makawasan ang patak ng luha at manatili sa mata na lamang? Sa may malapit na tanawan ng bituin sa alangit, ako ay naka tayo at malalim ang iniisip. Parang gusto kong umiyak pero ayaw ko, gusto bang sabihin ng puso ko na walang nag- mamahal sa akin? Ano ba talaga ako sa mata ni ina'y? natatakot ako na sa bandang huli ay pabayaan lang ako ni ina'y at ako'y maging palabo'y sa lansangan (lumuluha..) Pero sambit ng aking dibdib na bago man iyon mangyari ay patatatagin ko ang aking damdamin kahit na walang magmahal sa akin at sarili ko lamang ay lalayo ako at maghahanap ng kasiyahan ko sa buhay. Mariin kon rin namang sinasabi sa aking sarili na may silbi rin naman ako pero tawagin mo ang aking pagalan at darating ako at sa oras na hndi ako mahagilap ninoman ay hindi ko sasadyaing di sumipot sa pagkakataon. Naghanap ako ng binibini ngunit wala akong makita, aking siyang binigyang pansin ngunit hindi ako pinakinggan, ako'y nagpakitang baba ng loob upang masaksihan ng kanyang puso ang aking pakiramdam ngunit hindi pala ito ang naging batayan sa sandali datapwat may mga bagay silang tinatangkilik liban sa mga sinabi ko. Kanilang iniibig ang mga nag gagandahang lalaki, may pera at mayaman, naililibot ng kanyang irog ang irog at nadadala ng mabulaklak na pananalita at nagbubunga ng sandaling saya. O ang tao nga'y may kanya kanyang gusto at ayaw, iniisip ko na sana ay mawakasan ko ang lahat ng ito at mapagtagumpayan ko sapagkat gusto kong maramdaman ang malaking ganti ng langit sakin kung ako man ay sasabak sa kasamaan ng tao. Silang mga tao ay namamata at nang aapi, sabihin man ng kanilang labi o hindi ay marunong akong makiramdam, marunong mahiya at marunong umunawa. Lumapit ako sa dalaga dahil gusto kong mag pahangin, lumayo siya na sa kanyang dahilan at iniisip ay maaari ko siyang bastusin, maaaring nakawan, lumalayo siya dahil hindi nya ako kilala, minamata ako ng kanyang mga mata na parang gusto niyang sabihing "sino ba ito at naririto sa tabi ko, sana umalis kana diyan!" malinaw ang lahat sa akin, iniintindi ko na lamang ang kanilang iniisip sa akin pero ano man ang kanilang ipuna sa pagkatao ko ay malulungkot ako ngunit ang pagkatao ko ay hndi mawawala't magbago man. Ala una ng madaling araw ay nananatiling gising ang aking diwa, nagbabakasakaling may marinig sa sasabihin ng bulong ng isip. Nasaksihan ko ang kasamaan nga, naririto't hindi nalalaman ng marami na may makapangyarihang tao sa lupa at siyang ginagawang bato ang mga pusong puspos ng maka mundong nais. Lulan ng malaking pag-iisip ko ay ang bagabag, bumabagabag sa aking ulo, kinakalabit ng di kawasang pag-gising sa gabi at araw, pinaiikot ng ulo ang katawan sa higaan, hindi makatulog at di malabanan ang walang humpay na lakas ng sariling diwa. Natatakot ako sa kung anong mangyayari sa wakas ng lupa at sa dagat o bago man mangyari ang lahat ng ito ay ipinananalangin na huwag maabutan ng dilim ang mga matang nananalaysay sa liwanag, ramdam ng aking pag-iisip ang bagabag at ang dala nitong gulo sa balat ng alabok, tinatanong sa mismong sarili kung sino ang taong yaon o ano ang gagawin niya sa oras na dumating ang kanyang masayang araw ng pag-dalaw sa mga kaluluwang naninirahan nang buhay. Sarili kong konsensya ang siyang tumatakot sa akin, sa aking kaluluwa, sa aking diwa,.....oh bagabag sa isipan ko; kailan ka mawawala at titigil ng iyong pag-dalaw. May tanglaw ang gabi at may tanglaw ang umaga, sinong papanig sa dilim at sinong papanig sa liwanag? Bagabag sa isipan ko, "malalaman ko ba kung ako'y tulog ay babalik na sa alabok?", "iminumulat ko ang mga mata ko at ako'y bumabangon, isang panibagong araw ang sasapit" Alas dos ng madaling araw, tila sariwa ang gunita ko, walang ihip ng hangin, ni pagkagutom, ni pagka-uhaw, ni antok man ay di ko maramdaman, tanging pawis ang nanalaytay sa aking mukha, nakaupo't nagiisip, natatakot sa sariling higaan, sambit sa sarili, "ayaw ko pang matulog pero hinahamak ako para humimlay na, hinamamak din naman ako upang mag- isip pa", tinanong sa sarili, "ganito ba ang aking kapasidad sa buhay, ganito ba ang takbo ng aking buhay, ganito ba kung papaanong ako ay bigyang bagabag sa isipan ko? ganito ba,ganito ba...?", lahat ng ito ay siya kong tinanong ng walang humpay. Kinapootan ko ang gabi sapagkat ako'y binabagabag ng lalaking yaon, datapwat nalalaman ng sarili na hindi pa tapos ang lahat ng ito. Kinapopootan ko ang gabi ng aking bagabag.

Ang mga sinabi ni Alexis ay ito: "Ang pagbisita mo ay siya kong ikatutuwa, makinig ka sa aking mga bulong ng labi, may mapulang labi, may mabilis na pagtibok ng matikas na dibdib". "Magpahangin ka't magpalamig sa hangin, tumitig ka sa paligid mo at sa mga patay sinding ilaw ng pascua". "Makikita mo ang pita ng iyong laman sa sandaling ikaw ay mag isa't walang magawa, hinahanap ng iyong laman ang panan daliang nais, ang pita ng iyong laman ay nariyan na. "Halina sa aking piling, lumapit ka, hubarin mo ang iyong kasuotan. "Manginig ka sa aking gagawin; ang iyong bulaklak na kung sariwa'y masarap sa dila", "hawakan mo ang aking mga kamay, yakapin mo ang aking katawan at ramdamin ang init sa akin, idikit mo sa aking matikas na dibdib ang iyong malaking dibdib, iparamdam mo sa akin ang iyong kalibugan ng iyong katahimikang basag; tumingin sa mata at nagbabadya ng pangahas na pita ng laman at malalim na pagnanasa". "Iyong basain ang laman, maganda't masarap kung iyong hihipuin"; "hipuin mo pa ng iyong mga kamay ang buo mong katawan,nariyan na; mananatili ang bango sa iyong bigkis sa dibdib; dadamhin ko ang iyong mga hita, ibuka mo at ipakita sa aking mga mata at nangangahas na pita ng aking mga laman. "Halikan mo ako sa aking leeg, sa tenga, sa labi, sa dibdib, sa puson pababa; hayaang isipin ng iyong isipan ang libog, hayaang gawin ng iyong kamay ang ninanais na paghipo sa maselang katawan,… bahala ka". Lalasapin ko ang pawis nating dalawa, magsaya tayo’t huwag hayaang masayang ang oras,; ihiga mo pa ang iyong katawan mahal ko, ang libog ng iyong katawan na kaaya-ayang pagmasdan. “May dilim pa sa ilalim ng buwan at ang buwan ay tila mga mata ng pusa sa pangil ng dilim”. “Marahan kong ipapatong ang nag-iinit kong katawan sa iyo oh dalaga”, masikap kong paliligayahin ka sa gabi ng iyong pagbisita, tikman nating dalawa ang ating libog, pakinggan mo ang bawat uyog at ingay na tumatapik sa balat mo… masarp….ibabaon ko at magbibigay ng mas lalong masarap….masarapnarito na..! narito na…!; oh ang buhay natin, gaya ng isang nagniningas na apoy at pagdakay ubos na ang nakasalang gatong, manghihina ang ningas at tuluyang magdidilim ng kasalukuyan; iyong dagdagan ang kanyang baga at magniningas ng mainit”. “Pagod na ako dalag, ibinuhos ko na ang aking lakas mapaligaya lamang kita oh mahal ko, sa uulitin… sa uulitin pang muli….hanggang sa iyong muling pagbisita oh pita, magpahinga natayo, ipikit na ang mga mata…. ipikit na…”. Malapit nanamang sumapit ang araw ng Pascua, marami nanamang may pera, abala sa mga paghahanda ng panibagong bilihin, mga panibagong kagamitan at gadyet na binalutan ng ibat-ibang dekorasyon at desayn na pang - regalo, panibagong kasuotan, panibagong galaan sa gimikan, panibagong pabango, pitong araw na lamang ay sisibol na kasi ang araw ng Pascua. Sabik na akong makapag-gala kasama ang aking pamilya, o di kaya ay mga kaibigan, ang kanilang irog sa buhay; sa tabing-dagat; mga naggagandahang ilaw, mga ilaw na nakasabit sa bawat punong madaanan at hindi na alintana ang ingay ng mga karwahe’t sasakyan. Sa maynila nga ay maraming nagsisulputang mga kainan at mga parke, madilim man ay masayang pagmasdan dahilan ng dalang ningning sa bawat tanaw ng mga mata. May nalalaman ako na kanilang ginagasta ang mga pera datapwat hndi alintana ang kamahalan ng mga yaon, masasarap na mga pagkain, mga taong dinudumog ang bawat bagay at lugar na sa kanilang mga mata ay dumaraan, iba na ang naaamoy at nararamdaman kong atmuspera. Naririnig ko na ang mga putukan at ningning na sumasaimpapawid at sa kapaligiran, bitbit ng mga murang edad ang mga pulbura’t pangsindi, nagliliwanag ang kalangitan sa gabi, may mga kantahan kasabay ang mga handang serbesa, may mga pulutang dala ang mga kaututang dila, ibinabandera ang ingay mailabas lamang ang nais na kasiyahan; minsanan lamang kasi ito. May nalalaman din naman ako, may mga taong simple lang mamuhay sa bawat taon, sampung pansit kanton na binili ni manang sa tindahan, isang malaking plato nay may ispageti at isang pitsel na may laman ng dyus ang mga ihahanda ni ama at ina’y pitong araw bago sumapit ang araw ng Pascua. Pitong araw bago sumapit ang araw ng Pascua, knikanyang mga ikinakanta ng mga kababaihan at kalalakihan pati narin ang mga batang nasa lansangan ng bawat gabi ay may kanikanyang kantang inihahandog sa bawat kabahayan. “sa may bahay, ang aming bati; meri-krismas na maluwalhati, ang pag-ibig ang siyang naghari, araw-araw ay magiging pasko lagi, ang sandipo napagparito, hihingi po ng aginaldo at kung sakaling kami’y perwisyo, pasensya na kayo kami’y namamasko…… ”, ang kanta ng mga bata sa harap ng bahay.

May naririnig ako ay may nakikita, may nararamdaman ako, at may dalang pasan. Sana nga ay araw-araw ay Pasko, narinig ko ang mga ikinanta na may dalang magandang himig sa aking dalawang tainga. Inisip kong ang tunay na pasko ay wala sa iba, nasa naghihinagpis at pagsa sakripisyong pagbuhos ng dugo sa kanilang mga balat, ginagawang pawis ang bawat dugong nananalaytay kay itay, tinatanong ang sarili, “ano ba talaga ang tunay na araw ng pasko?, may pag-ibig ang bawat isa?, ang pasko ba ay para sa araw lamang ng disyembre?, sinasabi nilang tahimik ang gabi kung pasko at banal ang gabi?”. Nalalaman ko din naman, ginawa nilang ordinaryong oka- syon ang pasko, ginawang okasyon at hindi ginawang parte ng buhay sa araw-araw na pamumuhay, akin ngang narinig, “hmig pasko’y laganap, mayroong sigla ang lahat, wala ng kalungkutan….”,sinabi ko sa sarili, “hindi totoo ito”, may mga taong nananatiling malungkot kahit dumapit ang araw ng Pascua. Sa pagbalik sa nakaraan, nalalaman ko ang himig ng sinasabi ng bawat tao; inihahanda na ang mga pangunahing dadalhin sa araw ng pasko, ipagdidiwang ang araw ng pasko at pagmano kay lolo’t lola, ninong at ninang, kuya at ate, nanay at tatay, batang kapatid, pamangkin at mga inaanak, mga tradisyong hindi mawawala. Batid ko sa aking sarili Alexis, ipagdi- diwang ko ang okasyong ito, nais ko sanang makita lamang ang masasayang tao, nagkakasamang mga pamilya, walang lungkot at tanging saya ang namu- mukadkad sa bawat puso ng marami, nais ko sanang magliwaliw na may dadalang pera, kumain lamang at uminom hindi ng alak, bumili ng gamit na mapapakina bangan sa huli, magbigay ng mga di magagamit na pera o bagay man. Lugod kong ikatutuwa ito ngunit ikalulungkot ko namang wala akong kasama sa paglakbay, ibubuhos ko baga ang aking mga luha dahilang walang kasama sa buhay o titiisin ang kalungkutang yaon hanggang pumanaw ang araw ng Pascua Alexis? Nais ko rin namang matikman ang saya nila na gaya kong walang halos pasko sa damdamin, at may lungkot na bakas sa aking mga mukha. Lumipas na ang mga araw na nagdaan, lumipas na din ang mga kalungkutan, ngunit di ako pinapatakas ng mga ito. Sa aking pagliliwaliw, pilit parin akong ginagambala sa aking pag-iisa, sa isipan ko'y nais kong sabihin na bakit sa lahat ng mga tao na nasa lupa ay ako pa ang napiling gambalain, ginagambala nga ba o may nais iparating sa akin ang langit? Iginigiit ko sa aking sarili na ako'y masaya ngunit nakapasakim ang paligid sa akin, may mga matang nakatitig na di kanais nais, mga mga galaw na di katanggap-tanggap. Liban sa aking paglalakad, may isang lugar akong nakita, isang tahimik na lugar, napakagandang pagmasdan at ito nga, binilang ko ang ilaw sa lugar at ang bilang ay labindalawang ilaw, sa gabi ay napapasailalim ang isang romantikong kulay, sa araw ay napapasailalim ang katahimikan. Binagtas ko ang lugar, lumabas ako at nabilang ko ang mga lakad ko, isang humigit kumulang isang daan at dalawamput walo ang bilang ng hakbang bago ako makarating sa aking parating inuuwian, madalas kong tanawin ang dagat kung saan nais kong magpalipas ng panahon, panahon ng pag-iisa, mga kalungkutan, kasiyahan, pagdaramdam o pighati. Minsan na akong umupo sa harap niyaon at tinititigan ko lamang ang araw hanggang sa pagbaba nito, may liwanang ang kalangitan, napakabuti ang pagbibigay sinag sa karamihan, tuwing tititig ako sa bagay na iyon ay sinasabi ko sa aking sarili na sana ay may taning na ang aking buhay upang maranasan ko ang di kawasang pagpapahinga ng aking katawan, gusto kong humimlay ng mahabang panahon, hindi ko pinananatili ang luha sa aking mga mata bagkus isang patak lamang ay maaari ko nang ilabas ang pighati ng aking puso. Labis kong iniisip na malulungkot lang ako kung mawawala rin lamang ako, ayaw kong iwan ang aking ina at ama, mas tatanggapin kong iwan nila ako at lakbayin ang hirap na kanilang naranasan sa kanilang pagtatanda. May kamalayan sa aking paggunita na aking iniisip, paano kung ako ang mawawala, ano ang kanilang sasabihin? O giliw ko, tulungan akong lampasan ang aking naranasang hirap at pighati, kanila na akong itinataboy sa liwanag, kanila na akong iwinawaksi sa apoy, kung di man ay hndi ako mamamatay nang hindi lumalaban, mas nanaising mamatay kaysa mawala ang aking dangal.

Sunday, February 24, 2008

Pitaka

Chapter 2
Part 1

Isang magandang araw ang sa akin ay bumati, isang sinag
ng araw, mga alapaap na tahimik, may katahimikan, may
kalungkutan. Mga nagmumugtong mga mata na naghihintay
sa mga luhang lalabas sa kanyang mga mata. Ano ang kanyang
iniisip at ano ang kanyang nais iparating? tanging imahinasyon
at pagmumuni-muni lamang kanyang katabi sa araw-araw at
hindi ito magiging hadlang upang siya'y pabagsakin maging ito
ay mahirap man o mabigat na pasanin sa kanyang buhay, isang
inspirasyon ang kanyang dinadala, hindi niya pinananatiliang
bumagsak ang kanyang mga tuhod buhat ng kahirapan, oo ang
kahirapan ang sa kanya'y naghimok upang subukin ang lahat ng
hindi nalalaman ng kanyang sarili. Sinabi ko sa aking sarili, nais ko
sanang tumugtog ng magandang kanta upang mabawasan lamang
kahit kaunti ang aking nararamdamang sakit, at nais ko ring
maglakbay patungo sa iba't-ibang dako ng Pilipinas pati narin
sa ibang bansa masilayan ko lamang ang aking pagkabinata ngunit
sa kabila ng mga ito, isang malunkot na mukha ang naipapakita sa
tuwing nag-iisa. Pinagtatawanan nila ako, hinihimok sa mali at
hindi ko ito pinapansin, kinakantyawan ng karamihan sa mga
mapuputi at mayayaman sa iba't-ibang salin ng lahi sila ay nagmula.
Tinatanggap ko ang kanilang ganti datapwat hindi ko sila gagantihan
ng anumang masama. At sa araw din yaon ay iniisip ko kung papaano
ako magiging matatag na pader na kahit ano ialang bagyo man ang
dumaan ay nakatindig parin ako, iniisip ko rin kung papaano ako
magiging matatag na pader na kahit ilang lindol man ang dumaan
ay nakatayo parin ako sa lupa. Hinihintay ko kung kailan at saan
ako makakarating sa pamamagitan niya na nagbigay sa akin ng
buhay mula sa pasimula ng aking buhay, ito'y kaliit-liitan. Parati
kong iniisip kung pinagkakaitan ako ng tadhana, walang kasintahan,
walang pera, walang kapanalig, walang kausap, walang kasiyahan,
walang asawa, ako'y nag-iisa at walang kasama subalit may pananalig
at siya ang aking parating kapanalig sa araw man o sa gabi at gayun
pa man ay may malaki akong pasasalamat sa kanya sa itaas.
Pinakikisamahan ako ng mga tao dahil sa nakikita nilang
kalungkutan at pag-iisa sa aking mga mata, tanging mata ko
lamang ang ginagamit ko upang makita ko ang mga masasayang
bagay sa paligid ko. Masaya ang nararamdaman ko sa tuwing
marami akong nakikitang mga kakaibang bagay tulad ng mga taong
nagsasaya sa hapon at umaga pati nari sa gabi, umuup lang ako
sa tabi at tinititigan sila at kahit ako'y nagugutom at umuutang
sa mga taong maaari kong lapitan ay ginagawa ko maitawid ko
lamang ang sarili ko sa kagipitan at sa tag-gutom dahil sa ito pa
lamang ang nakikita kong paraan.


Alexis 1960

Tuesday, February 5, 2008

Ika-9 ng gabi

Part 10

ika-9 ng gabi, buwan ng Pebrero nang ako ay nakauwi
galing sa paaralan. Madalas akong pansinin ng
karamihan sa dakong kaliwa, kanan, likod, harap,
tila walang araw na hindi ko maririnig ang kanilang
mga sinambit na wika sa akin. Isa rin naman itong
kalugod lugod para sa akin sa dahilanang mabuti at
napapansin nila ako kahit sa anu mang paraan, mapa
matanda man, mapabata man sila, walang pinipiling
kasarian. Tuwing tinatanaw ko ang mga punong
matataas sa ligid ng lugar na siyang kinaaarian ni
Reyes ay di ko mapigilan ang aking sarili na tumitig sa
mga ganda ng mga punong yaon kahit na sila'y mga
matatanda na o ang mga kababaihan at kalalakihan na
nagsisiupo sa tabing puno ay sya kong tinitingnan. Sa
umaga ay lumilitaw ang karamihan sa dakong di maintindihan,
sa tanghali ay nagpapahinga sa bilog na mga bato at sa gitna
ay ang puno, sa hapon ay naglilitawan ang mga magagandang
dilag, nariyan sa Cruz, Laura, at Magdalena, nariyan din ang
mga mestisong lalaki na walang ginawa kundi ang makihalubilo
sa mga ibang tao at makipagtawanan kasabay ang kwentuhan
at tinitingnan ang mga bawat babaeng dumaraan. Kapansin
pansin rin naman sa pagsakop ng dilim sa liwanang ang mga
nagsisilarong mga kababaihan at kalalakihan pati narin ang
mga bakla sa dalawang espasyong berde, nagsisiliparang mga
bola, mga dilaw na kasuotan sa gabi at sa dakong kanan na
iyon ay ang mga nagpapawisang mga tao na tumatakbo
balik-balik, kapansin pansin rin sa gabi ang mga ilaw ng
parke na may labindalawang sinag na may mga katabing
mga punong matatanda kaharap ang isang imahe ng birheng
babae na si MAria. Dumapit na ang gabi at sinimulan kong
ilakad ang aking mga paa, madalas akong dumadaan sa
kahabaang ilog, may tulay patungong Escolta. Dumadaan
ako sa Casa Rocha kung saan malapit ang labasan ng
Intramuros, may mga kalesang nakaparada na naghihintay
ng mga pasahero, Si señora at señorito at nariyan lamang
na nagpapalamig. Sadyang may kagandahan ang lugar na
madalas kong pinupuntahan, batid ko na doon ako maglilibot
at maghahanap ng isang babaeng aking pakakasalan habangbuhay.
Nagpasya ako sa sarili, na aking ipaglalaro ang aking magiging
anak sa lugar na ito kung saan ako nagliwaliw at nagbuhos ng
mga kalungkutan ko sa buhay, may mga puno ng buko, may
magagandang ilaw sa hilera, may mga istatwang nakatayo,
isang araw sa malayong dagat.



-Alexis
1960

Wednesday, January 30, 2008

Pansinin natin sila.

Pansinin natin silang mga gaya nila at gaya ko. hindi ba't parepareho naman tayong mga Pilipino, pareparehong tubo sa mahirap na bansa, isang batayan ng kinalolooban ng mataas sa langit. Hindi man sila nakapag-aral sa mataas na antas, hindi man sila katangitangi sa klase ay mayroon din silang natatagong talino na hindi maaaring nakawin ng sinoman. Isang hindi matalino at matalino, isang kapus-palad at isang mayaman, isang madaldal at isang mabunganga, isang maykapansanan at isang kumpleto ang katangian, lahat ng ito ay wangis ng tao maging sinoman. Sa henerasyong ito, hindi na nila pinansin ang mga taong walang mataas na antas ng pag-iisip kundi ang mga tao na mayroong mataaas na pinag-aralan o sa madaling salita, mga matatalino, ngunit ano ang katangian at ano ang dapat nating maging basehan para sabihing may talino din ang taong gay nila? Madalas itong sinasabi sa kanila; "may talino kang hindi maaaring nakawin ng sinuman". May isang nilalang na nabuhay sa larangan ng musika, isang mahirap na tao at hindi nakapag-aral sa isang mataas na antas ngunit ang kanyang katangian ay likas na kagandahan, waring galing sa alapaap, naging kumpositor at ngayo'y kinikilala sa buong mundo maging ang Pilipino. May kilala akong nilalang. Isang mahirap na tao, binabatikos dahil sa kanyang kagilagilalas na tapang ayon sa katotohahan, ibubuwis ang buhay ayon sa pagmamahal sa kapwa, ang tanging hawak ay ang aklat ng buhay, ano nga ba ang aklat ng buhay para sa mga nakapag-aral sa matataas na antas na ngayo'y kinikilala sa bansang ito? May katangi-tanging talino na hindi maaaring nakawin ng iba, gayun din ang mga matatalinong tao sa henerasyong ito ay hindi makasalag ng kanilang hindi kapantayan at kasukatang talino sa taong yaon. Tanging isang naging presidente ang nagsabi ng ganito, "hindi mo maituturing na iliterado ang isang tao kung alam nya ang aklat ng buhay". Isa siya sa mga maytalinong di maaaring nakawin ng sinuman. May nalalaman akong bagay, hindi basihan ang kagalingan ng tao ayon sa istatwang hubad, hindi basihan ang kagalingan ng tao ayon sa isang araw na may labing-anim na sinag at sa agilang asul at sa pana. Lahat sila ay may katangiang maaaring maging mababaw sa katangian ng mga nilalang na may katangitangi at kagilagilalas na talino, may dedikasyon, paniniwala na ang tao'y may talinong hindi maaaring nakawin ng sinuman,ito'y bigay ng kataas-taasa, may prinsipyo. Pansinin ang mga taong katulad nila sa lipunan hindi lamang ang mga taong nililinang ang lenguwahe sa panibagong lenguwahe dahil hindi ito ang pagiging Pilipino ng isang Pilipino kundi pag-iiba ng bunga.

Friday, January 25, 2008

Lumipas na ang buwan

Part 9

Lumipas na ang mga araw na nagdaan, lumipas na din
ang mga kalungkutan, ngunit di ako pinapatakas ng mga ito.
Sa aking pagliliwaliw, pilit parin akong ginagambala sa aking
pag-iisa, sa isipan ko'y nais kong sabihin na bakit sa lahat ng
mga tao na nasa lupa ay ako pa ang napiling gambalain,
ginagambala nga ba o may nais iparating sa akin ang langit?
Iginigiit ko sa aking sarili na ako'y masaya ngunit nakapasakim
ang paligid sa akin, may mga matang nakatitig na di
kanais nais, mga mga galaw na di katanggap-tanggap.
Liban sa aking paglalakad, may isang lugar akong nakita,
isang tahimik na lugar, napakagandang pagmasdan at ito
nga, binilang ko ang ilaw sa lugar at ang bilang ay labindalawang
ilaw, sa gabi ay napapasailalim ang isang romantikong kulay,
sa araw ay napapasailalim ang katahimikan. Binagtas ko
ang lugar, lumabas ako at nabilang ko ang mga lakad ko,
isang humigit kumulang isang daan at dalawamput walo
ang bilang ng hakbang bago ako makarating sa aking parating
inuuwian, madalas kong tanawin ang dagat kung saan nais
kong magpalipas ng panahon, panahon ng pag-iisa, mga
kalungkutan, kasiyahan, pagdaramdam o pighati. Minsan
na akong umupo sa harap niyaon at tinititigan ko lamang
ang araw hanggang sa pagbaba nito, may liwanang ang
kalangitan, napakabuti ang pagbibigay sinag sa karamihan,
tuwing tititig ako sa bagay na iyon ay sinasabi ko sa aking
sarili na sana ay may taning na ang aking buhay upang
maranasan ko ang di kawasang pagpapahinga ng aking
katawan, gusto kong humimlay ng mahabang panahon,
hindi ko pinananatili ang luha sa aking mga mata bagkus
isang patak lamang ay maaari ko nang ilabas ang pighati ng
aking puso. Labis kong iniisip na malulungkot lang ako kung
mawawala rin lamang ako, ayaw kong iwan ang aking ina at
ama, mas tatanggapin kong iwan nila ako at lakbayin ang hirap
na kanilang naranasan sa kanilang pagtatanda. May kamalayan
sa aking paggunita na aking iniisip, paano kung ako ang mawawala,
ano ang kanilang sasabihin? O giliw ko, tulungan akong lampasan
ang aking naranasang hirap at pighati, kanila na akong itinataboy
sa liwanag, kanila na akong iwinawaksi sa apoy, kung di man ay,
hndi ako mamamatay nang hindi lumalaban, mas nanaising
mamatay kaysa mawala ang aking dangal. (itutuloy.....)


-Alexis
1960

Tuesday, January 8, 2008

Pera muna bago ang buhay

Gusto kong isigaw sa karamihan na magsipaglayag kayo ng magandang buhay, ilayag mo nang yumaon ka, nag sipag-aral ng karangalang dala at kadaki-dakila sa mata ng madla ngunit kung ang pinag-aralang iyong dala ay idadaan lamang sa sariling interes at hindi ng pag tulong sa ibang tao ay ihinihiling kong halikan ng iyong mga tuhod ang putik! Hindi kayo karapat dapat na maging sinuman sakaling magutom ng bulsa at isawalang bahala ang buhay ng nag-aagaw buhay, hindi ito ang tunay na ugali ng tunay na pilipino! Hindi tayo nagsikap para lamang magkapera! Hindi tayo nag-aral para lamang guminhawa ang buhay! Hindi tayo nag-aral para magtanim ng sama ng loob o ano man! Hindi tayo nag-aral para malimutan natin ang lumikha sa ating na siyang may hawak din naman ng buhay mo at kapalaran mo! Wala akong nababasang libro na maaaring maga sabi na nag-aaral ang tao para guminhawa ang buhay at para kalimutan ang diyos! Kayong mga doctor na ginagalang ng duka sa pilipinas! dala ninyo ang kaalaman para bumuhay at magpagaling ng sino man! Mga kababayan ko, mula taong 1995 hanggang 2007; nag-kasakit ang aking pamangkin na babae at di na nag atubili ang aking magulang na idala agad ito sa OLIVAREZ HOSPITAL ng Parañaque. Hindi sana nila tatanggapin ang aking nagkasakit na pamangkin na babae dahil sa walang perang dala ang aking magulang! Nagmamakaawa at umiiyak ang aking ina na gamutin nila ang aking pamangkin! Kailangan pa ba ng magulang ko na umiyak sa harapan at mag makaawa sa harap ng mga NURSE AT DOCTOR?! Pangalawa! Namatay ang tito ng aking kaibigan sa loob ng HOSPITAL NG OLIVAREZ! Pangatlo! Namatay ang bunsong babaeng kapatid ng aking kaibigan sa LOOB NG OLIVAREZ HOSPITAL dahil umano'y kulang daw ang pera kaya hindi kayang tustusan ang mga gamutin! Malalaman sa mga maiitim na budhi ng OLIVAREZ HOSPITAL na HINDI NILA IPAPAKITA ANG KANILANG ID O PANGALAN! Pang-apat! Nagkasakit ang aking ina ng dayariya at hindi tinanggap dahil sa kulang ang dala naming pera kaya't dinala namin ang aking ina sa HOSPITAL SA KABIHASNAN at taong 2007, ika-31 ng buwan ng disyembre, nadisgyasya ang aking matalik na kaibigan! ang aksidenteng iyon ay nangyari malapit lamang sa lugar ng OLIVAREZ HOSPITAL, biak ang panga, putok ang batok, bugbog ang dib-dib nito bandang kanan, lalong sumama ang mga pangyayari na sa kasamaang palad ay muling hindi tinggap ng OLIVAREZ HOSPITAL ang aking matalik na kaibigan. ang sabi ng mga nurse at doctor ay ito, "may pera ba yan?". Tanging isang baon lamang ang siyang iniwan sa akin ng kaibigan ko at ito ang kanyang sinabi, "pre, mag-aral kang mabuti at tapusin mo ang pag-aawal mo". Mga kababayan ko, huwag ninyong dalhin ang inyong mga mahal sa buhay maging kamag-anak man o hindi, kaibigan man o hindi sa hospital na walang ibang alam kundi ang pera, walang ibang alam kundi tanungin ang nag hihingalong pasyente kung may pera o wala. Paano na lamang kung si OLIVAREZ ang maaksidente? paano na lamang kung may masamang mangyari sa isa sa kanilang mga magulang o kaibigan? paano kung silang mga doctor at nurse ang naaksidente? pera ba muna o ang pag sagip sa buhay ang dapat unahin? palagay ko kung napaka ipokritong tao ka at nakapa mukhang pera ay walang kasing itim ang budhi! Sila ang mga DOCTOR NA PUMAPATAY! ang pag patay ay hindi lamang mga kamay ang gumagawa kundi ang siyang walang konsensya sa kapwa ang siyang maaaring pumatay sa buhay ng isang tao maging dukha man o mayaman, maging bata man o matanda, babae man o lalake. Tanggapin ng iba na sa Pilipinas ay may mga kahanga-hanagng doctor at nurse na mukhang pera, silay nagsisikap mag aral para hindi sumagip ng buhay kundi yumaman! Ito ang Pilipinas! Ito ang tunay na mukha ng bansa nating mga pilipino! Ako, ikaw, sila, tayo! Talagang sa Pilipinas na ang ibang nurse at doctor, may maitim na budhi din, kung gaano kaputi ang kanilang suot ay gayon din kaitim ang kanilang mga budhi at konsensya! Ito ang aking simulain! Alko si Wilfredo C. Bolbes, isang estudyante, indibidwal at isisigaw ko sa maraming tao ang mga pag-papaimbabaw, pagpapaka-ipokrito, pagiging-sakim, pagiging-makapal ang mukha, pagiging-mukhang pera ng mga INSTITUSYON! MGA ORGANISYASYON! MGA KORPORASYON O KUMPANYA AT HINDI AKO MATATAKOT NA MAGSALITA NG TOTOO IKADAHILAN MAN O IKAHULUGAN MAN ITO NG AKING SARILING KAPAKANAN...........

Monday, January 7, 2008

Paintings for sale!!!


Title: Cutltura caleza painted by Wilfredo Bolbes
Medium: Oil painting in canvass
Size: 20x24
Released: January 4, 2008
Php 3,950.00





Title: "Vigan" painted by Wilfredo Bolbes
Size: 8x10
Medium: Oil painting on canvass
Released: November 28, 2007
Php. 1,489.00






Title: "The great cannon" painted by Wilfredo Bolbes
Size: 12x16
Medium: Water color on canvass
Released: year 2006
Php2,785.00






Title: "Cat on the floor" painted by Wilfredo Bolbes
Size: 13x16
Medium: Oil color on canvass
Released: February 3, 2007
Php2,785.00

http://akosiwil.multiply.com
http://thepotentialart.multiply.com

email add: bolbeswilfredo@yahoo.com
Tel no. 09278846935

Join my groups!

  • http://thepotentialart.multiply.com
  • http://akosiwil.multiply.com

About Me

Parañaque, NCR, Philippines
a humble guy