Wednesday, December 19, 2007

Pitong araw bago sumapit ang araw ng Pascua (Pag-iisa)

Part 8

Sana nga ay araw-araw ay Pasko, narinig ko ang
mga ikinanta na may dalang magandang himig sa
aking dalawang tainga. Inisip kong ang tunay na
pasko ay wala sa iba, nasa naghihinagpis at pagsa
sakripisyong pagbuhos ng dugo sa kanilang mga balat,
ginagawang pawis ang bawat dugong nananalaytay kay
itay, tinatanong ang sarili, “ano ba talaga ang tunay na
araw ng pasko?, may pag-ibig ang bawat isa?, ang
pasko ba ay para sa araw lamang ng disyembre?, sinasabi
nilang tahimik ang gabi kung pasko at banal ang gabi?”.
Nalalaman ko din naman, ginawa nilang ordinaryong oka-
syon ang pasko, ginawang okasyon at hindi ginawang
parte ng buhay sa araw-araw na pamumuhay, akin
ngang narinig, “hmig pasko’y laganap, mayroong sigla
ang lahat, wala ng kalungkutan….”,sinabi ko sa sarili,
“hindi totoo ito”, may mga taong nananatiling malungkot
kahit dumapit ang araw ng Pascua. Sa pagbalik sa nakaraan,
nalalaman ko ang himig ng sinasabi ng bawat tao; inihahanda
na ang mga pangunahing dadalhin sa araw ng pasko,
ipagdidiwang ang araw ng pasko at pagmano kay lolo’t
lola, ninong at ninang, kuya at ate, nanay at tatay, batang
kapatid, pamangkin at mga inaanak, mga tradisyong
hindi mawawala. Batid ko sa aking sarili Alexis, ipagdi-
diwang ko ang okasyong ito, nais ko sanang makita
lamang ang masasayang tao, nagkakasamang mga
pamilya, walang lungkot at tanging saya ang namu-
mukadkad sa bawat puso ng marami, nais ko sanang
magliwaliw na may dadalang pera, kumain lamang at
uminom hindi ng alak, bumili ng gamit na mapapakina
bangan sa huli, magbigay ng mga di magagamit na pera
o bagay man. Lugod kong ikatutuwa ito ngunit ikalulungkot
ko namang wala akong kasama sa paglakbay, ibubuhos
ko baga ang aking mga luha dahilang walang kasama sa
buhay o titiisin ang kalungkutang yaon hanggang pumanaw
ang araw ng Pascua Alexis? Nais ko rin namang matikman
ang saya nila na gaya kong walang halos pasko sa damdamin,
at may lungkot na bakas sa aking mga mukha. (Itutuloy.....)


-Alexis
1960

Pitong araw bago sumapit ang araw ng Pascua

Part 7


Malapit nanamang sumapit ang araw ng Pascua, marami
nanamang may pera, abala sa mga paghahanda ng panibagong
bilihin, mga panibagong kagamitan at gadyet na
binalutan ng ibat-ibang dekorasyon at desayn na
pang - regalo, panibagong kasuotan, panibagong
galaan sa gimikan, panibagong pabango, pitong araw
na lamang ay sisibol na kasi ang araw ng Pascua. Sabik
na akong makapag-gala kasama ang aking pamilya, o
di kaya ay mga kaibigan, ang kanilang irog sa buhay; sa
baywalk; mga naggagandahang ilaw, mga ilaw na
nakasabit sa bawat punong madaanan at hindi na alintana
ang ingay ng mga karwahe’t sasakyan. Sa maynila nga ay
maraming nagsisulputang mga kainan at mga parke,
madilim man ay masayang pagmasdan dahilan ng
dalang ningning sa bawat tanaw ng mga mata. May
nalalaman ako na kanilang ginagasta ang mga pera
datapwat hndi alintana ang kamahalan ng mga yaon,
masasarap na mga pagkain, mga taong dinudumog ang
bawat bagay at lugar na sa kanilang mga mata ay
dumaraan, iba na ang naaamoy at nararamdaman
kong atmuspera. Naririnig ko na ang mga putukan at
ningning na sumasaimpapawid at sa kapaligiran, bitbit
ng mga murang edad ang mga pulbura’t pangsindi,
nagliliwanag ang kalangitan sa gabi, may mga kantahan
kasabay ang mga handang serbesa, may mga pulutang
dala ang mga kaututang dila, ibinabandera ang ingay
mailabas lamang ang nais na kasiyahan; minsanan lamang
kasi ito. May nalalaman din naman ako, may mga taong
simple lang mamuhay sa bawat taon, sampung pansit
kanton na binili ni manang sa tindahan, isang malaking
plato nay may ispageti at isang pitsel na may laman ng
dyus ang mga ihahanda ni ama at ina’y pitong araw bago
sumapit ang araw ng Pascua. Pitong araw bago sumapit
ang araw ng Pascua, knikanyang mga ikinakanta ng mga
kababaihan at kalalakihan pati narin ang mga batang nasa
lansangan ng bawat gabi ay may kanikanyang kantang
inihahandog sa bawat kabahayan. “sa may bahay, ang
aming bati; meri-krismas na maluwalhati, ang pag-ibig
ang siyang naghari, araw-araw ay magiging pasko lagi,
ang sandipo napagparito, hihingi po ng aginaldo at kung
sakaling kami’y perwisyo, pasensya na kayo kami’y
namamasko…… ”, ang kanta ng mga bata sa harap ng bahay. (itutuloy.....)


-Alexis
1960

Join my groups!

  • http://thepotentialart.multiply.com
  • http://akosiwil.multiply.com

About Me

Parañaque, NCR, Philippines
a humble guy