Chapter 2
Part 6
At nang maalala ko ang aking nakalipas na pag-ibig, ang aking unang pag-ibig, naalala ko ang mga nakaraang nakalipas na ako’y nasa disenteng pananamit, nang siya’y aking makilala, naglalagablab na damdamin, ang mga oras ay hindi sinasayang maging sa umaga, sa tanghali, sa hapon hanggang sa sumapit ang kabilugan at liwanag ng buwan. Naalala ko rin na sa bawat dagok ng masamang kapalaran, sa kapuotan man o kabaitan, binatid ko na sa bawat galit o puot sa damdamin ay lilipas din. Naalala ko na sa aking unang pag-ibig ay may dala-dala akong isang rosas, isang matinik at mapulang rosas na isinasaysay ang batid ng aking pag-ibig, ang mga bagay na hadlang sa amin na siyang binabasag ko, ang tamang pananawang magsabi ng salitang “mahal kita” na tila ginto sa aking pananaw at sa huli ay tinula ko ang tulang ito….
Gaano nga ba katimbang ang magsabi ng, “Mahal Kita”
Ako’y gagamit ng aking maitim na kabayo
at hahamak sa mga kailaliman ng mga matataas na ulap.
Ito’y bunga ng aking pusong nasasadlak
sa iisang bunga na maaari kong pitasin at malasap.
Sa giliw kong ito o tila ang puso’y sumigla
ako nga ba’y isang bulag na may mata
o aking hinahanaphanap ang di nakikita?
Tila isang lathalain na nasusulat sa dingding na di’ mabasa
na siyang nais mabigkas ang hindi mabigkas.
Anong makatutulong sa akin na ito’y masabi?
Malibang ako’y gumawa ng hagdan upang masungkit ang bungang di pa umiibig.
Ako’y maparirito sa iyo na waring magnanakaw
sa kaibuturan ng iyong mapula sa pagdungaw.
Sa umaga’y ikaw nga at sa gabi ako’y ibong kumakanta.
Hindi pa naparirito ang aking kalasingan
kaya’t pagsisikapang ikaw ay mapangiti.
Libutin man ng aking kaalaman ang ikaw
na di mapaparang ng ninuman sa mundong ibabaw.
Kauhawan ko sa malalim na bugtong at sa akin ay may bumubulong.
Umuugong ang lupang may yapak mong malabong
at samantala’y ikaw na kasama pa ay napagsamantalahan.
O anong lihim mayroon ang isang tulad na salita?
Walang katulad o kapares man kahit hanapin ay di makita
sapagkat hindi nasusulat na maaaring uliting ilathala
ang malalim na salitang nais sabihin at matalinghaga.
Ilihim ko man, may tumutulak sa akin ay ako nga
na siyang makapagsasabi sa lihim ay ikaw nga.
Sa matatayog na alapaap o ulap ay maisumpang mahal kita.
No comments:
Post a Comment