Chapter 2
Part 1
Isang magandang araw ang sa akin ay bumati, isang sinag
ng araw, mga alapaap na tahimik, may katahimikan, may
kalungkutan. Mga nagmumugtong mga mata na naghihintay
sa mga luhang lalabas sa kanyang mga mata. Ano ang kanyang
iniisip at ano ang kanyang nais iparating? tanging imahinasyon
at pagmumuni-muni lamang kanyang katabi sa araw-araw at
hindi ito magiging hadlang upang siya'y pabagsakin maging ito
ay mahirap man o mabigat na pasanin sa kanyang buhay, isang
inspirasyon ang kanyang dinadala, hindi niya pinananatiliang
bumagsak ang kanyang mga tuhod buhat ng kahirapan, oo ang
kahirapan ang sa kanya'y naghimok upang subukin ang lahat ng
hindi nalalaman ng kanyang sarili. Sinabi ko sa aking sarili, nais ko
sanang tumugtog ng magandang kanta upang mabawasan lamang
kahit kaunti ang aking nararamdamang sakit, at nais ko ring
maglakbay patungo sa iba't-ibang dako ng Pilipinas pati narin
sa ibang bansa masilayan ko lamang ang aking pagkabinata ngunit
sa kabila ng mga ito, isang malunkot na mukha ang naipapakita sa
tuwing nag-iisa. Pinagtatawanan nila ako, hinihimok sa mali at
hindi ko ito pinapansin, kinakantyawan ng karamihan sa mga
mapuputi at mayayaman sa iba't-ibang salin ng lahi sila ay nagmula.
Tinatanggap ko ang kanilang ganti datapwat hindi ko sila gagantihan
ng anumang masama. At sa araw din yaon ay iniisip ko kung papaano
ako magiging matatag na pader na kahit ano ialang bagyo man ang
dumaan ay nakatindig parin ako, iniisip ko rin kung papaano ako
magiging matatag na pader na kahit ilang lindol man ang dumaan
ay nakatayo parin ako sa lupa. Hinihintay ko kung kailan at saan
ako makakarating sa pamamagitan niya na nagbigay sa akin ng
buhay mula sa pasimula ng aking buhay, ito'y kaliit-liitan. Parati
kong iniisip kung pinagkakaitan ako ng tadhana, walang kasintahan,
walang pera, walang kapanalig, walang kausap, walang kasiyahan,
walang asawa, ako'y nag-iisa at walang kasama subalit may pananalig
at siya ang aking parating kapanalig sa araw man o sa gabi at gayun
pa man ay may malaki akong pasasalamat sa kanya sa itaas.
Pinakikisamahan ako ng mga tao dahil sa nakikita nilang
kalungkutan at pag-iisa sa aking mga mata, tanging mata ko
lamang ang ginagamit ko upang makita ko ang mga masasayang
bagay sa paligid ko. Masaya ang nararamdaman ko sa tuwing
marami akong nakikitang mga kakaibang bagay tulad ng mga taong
nagsasaya sa hapon at umaga pati nari sa gabi, umuup lang ako
sa tabi at tinititigan sila at kahit ako'y nagugutom at umuutang
sa mga taong maaari kong lapitan ay ginagawa ko maitawid ko
lamang ang sarili ko sa kagipitan at sa tag-gutom dahil sa ito pa
lamang ang nakikita kong paraan.
Sunday, February 24, 2008
Pitaka
Alexis 1960
Posted by Wilfredo at Sunday, February 24, 2008 0 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)
Join my groups!
- http://thepotentialart.multiply.com
- http://akosiwil.multiply.com
About Me
- Wilfredo
- Parañaque, NCR, Philippines
- a humble guy