Tuesday, August 5, 2008

Payong

Chapter 2
Part 7

Madilim ang kalangitan, basa ang lansangan, maraming mga tao. Ito’y ginalugod ko at nilakbay ko ang kahabaan ng kalsadang iyon, mga nagsisikipang daan na naroroon ang samut-saring mga tinda, pananamit at pagkain. Ang mga paa ko’y basa na habang malakas ang hangin, ang kaisipan ko’y nahalina na sa kahahanap sa kanya, ang pitaka ko’y kakaunti ang laman. Sa lansangan ay nagmumula ang paghahanap ng mga bagay-bagay na wari ay hindi makita ngunit idalangin mo, may mahahanap ka rin ngunit minsan ang tadhana ay sadyang mapagbiro at mapaglaro, hinahawakan ang palad, ginuguhit ang mga linya at ang mga mata mo’y maging mulat man ay sarado sila. Ang lahat ay kakaiba, ang lahat ay may nakalaang oras, may simula at katapusan. Halika at ako’y samahan kung saan ako’y dumalaw at tinahak ang lugar na iyon. Naririnig mo ba ang ihip ng hanging dala ang ambon sa langit, maging ang hampas nito sa iyong payong, ang lamig na dumadapo sa iyong damit, ang bawat galaw nila na kung iyong papansinin ay minamadali ang oras. Bawat patak ay kapansin pansin, ang itsura nito ay tubig lang. Hinanap ko sya sa loob ng simbahan, nilibot ko ang pintuang daan papalabas at papasok, hanggang sa aking makita ang matagal ko nang inisip. Walang pagdadalawang isip nang siya’y aking lapitan, walang panganib na nakaambang, ngunit ang balakid na panahon ay hirang na. Hinabol ko siya at muntik na magkalayo ng landas, ngunit ang aking mga mata ay nagbadya ng kagandahan. Hindi ko alam ang sasabihin ko, parang isang estudyanteng hindi alam ang isusulat sa papel at nang ako’y naglakad na ay sinabi ko ang mga bagay na ukol sa kanya at sa akin. Sinamahan ko siyang mamili ng damit para sa araw ng wika at nang magkagayon ay naisip naming umuwi at tumuloy sa kanyang tirahan. Isang guro sa elementarya ang aking nakilala at nakasama ng araw na iyon ngunit ako’y nakikipag-usap lang sa ordinaryong tao na walang pinagkaiba sa alin mang tao sa lupa, naisip naming sumakay ng kalesa dahil sa may kalayuan din ang kanyang tirahan at habang kami ay nag-uusap, biglang umulan ng malakas, umihip ang hangin at ako’y nabasa.Nang kami ay makauwi na, inihanda namin ang mga pagkain at sinayang mga oras doon, nagkwentuhan at inalam ang mga bagay-bagay. Habang kami ay nagkakasiyahan sa kwartong iyon, makalipas ang oras, biglang may kumatok at kagad na pinagbuksan naman ng pinto ng guro na aking kasama, nagsabi ang matandag babae, “ipagpaumanhin mo ang aking panghihimasok ngunit hindi ko pinahihintulutang tumuloy ang mga lalaki dito”. Sa sandali pa’y napilitan akong umalis na at samantalang gabi na nang oras ding iyon. Ako’y sinuyo ng panahon, ako’y inasar ng malamig na ihip ng hangin at mga ambon, pinaglalaruan ng ulap at tinaksil ng gabi. Nagpaalam ako at umalis ng bahay, tinahak namin ang daan at narito nanaman ang bagay na di kaaya-aya gaya ng aking binanggit sa una. Tumigil kami sa sandali at nagpalitan ng salita na kakaunti lamang, ngunit ayaw papigil ang ulan, ang hangin, ang gabi kung kaya’t minarapat kong ihatid sya karwahe at upang maunang umuwi sa kanyang tirahan. Sinusubukan ng panahon ang aking pasensya ngunit ang pagtitiis ay naririto sa akin, anung magagawa sa akin ng panahon kung aking mapaglilingkurang mabuti ang bagay na ninanais ko. Muli ko nanamang tinahal ang malayo at mahabang daan at sumakay sa karwahe, ako’y tulala at walang imik, walang pinansin na anumang bagay sa paligid, maging ang mga bagay na naging kaaya-aya sa aking pita ay hindi ko pinansin ngunit bakit, bakit ganun ang aking inasal sa aking paguwi. Bitbit ang payong nang siya’y aking kausap hanggang sa paghatid at ito’y aking panilbing magandang loob sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ang huling magiging asal nang ako’y makauwi na, tila balisa at hindi alam ang gagawin ant habang sinusulat ko itong mga ito ay ganun parin sa ilalim ng gabi ant ang payong ang hawak ko nang ako’y naging malungkot sa araw na iyon.

No comments:

Join my groups!

  • http://thepotentialart.multiply.com
  • http://akosiwil.multiply.com

About Me

Parañaque, NCR, Philippines
a humble guy