Part 5
At mula dito, ay masasabi kong marami akong nakilalang mga tao ngunit lumilipas ang panahon, isang linggo o dalawa o tatlo o apat; dahil dito ay hindi ko sila nakikilala sa paglipas ng oras. Lumipas ang buwan hanggang sa nakilala ko si Melisa beinte anyos ang edad, isang maputing babae at marahil ay mas mataas kay sa akin, siya’y nananatili sa kanyang magulang at kapatid sa bansang Australia. Hiniling ko noon na magkaroon ako ng matinong kausap at hindi tumitingin sa pagkakaiba ng mga tao; maging mahirap man o mayaman, maging maputi o maitim, siya’y mapagkumbaba gaya ko, siya’y estudyante na gaya ko. Si Melisa ay aking kaibigan mula ng sa buwan ng Hunyo at paminsan minsan ay naguusap kami at binibigyan pansin ay mga bagay-bagay na hindi pa namin nalalaman gaya ng usapin ukol sa kani-kaniyang sarili at pag-ibig maging sa usaping pang pamilya ay hindi hadlang sa amin ang mag-usap at magkaroon ng mahusay at magandang pakikipagtalakayan sa isa’t-isa. Minsan na din naming napag-usapan ang ukol sa aming damdamin at dahil sa ako’y isang romantikong tao at mabait, may prinsipyo’t dignidad, may tapang at bukas ang isipan ay naitanong ko sa kanya kung ano ang hinahanap nya sa isang lalaki kapag siya’y ganap na indibidwal na at malaya. Sumagot sya ng ayon sa aking damdamin at gayu din sa hinahanap-hanap. Nais niyang magkaroon ng magandang buhay at pamilya, nais magka-anak sa iisang tao na kanyang iibiging tunay.Sinabi nya rin sa akin kung ano ang gusto nya at binanggit nyang gusto nyang yung taong mapagkumbaba, maibigin at may oras sa kanyang magiging asawa at naghahangad ng maayos na pangkabuhayan kahit na siya’y kayumanggi o maputi. Pinilit ko pang magtanong ngunit hindi ko nabanggit ang iba pa kung kaya’t minarapat kong tanungin sya ng halimbawa lamang at ang tanong ay ganito, “paano kung sabihin kong gusto kita at gusto morin ako ngunit hadlang ang lugar at layo ng landas natin sa isa’t-isa, kaya mo bang bigyan ng pansin ang akin damdamin?”, at ang sinagot nya ay ito, “hindi ko alam ngunit gusto hindi ibig sabihin nito na ayaw ko sayo at kung sakaling magkalapit lang tayo ng kinaroroonan ay walang imposible sating dalawa”. Natuwa ako sa kanyang sinserong sagot na bagaman ako’y hamak na maliit na tao ay may magandang puso ay hindi hadlang para iparating sa kanya ang aking munting nararamdaman sa maiksing panahon mula ng siya ay aking makilala at Nalulungkot dahil sa kalayuan ng landas namin sa isa’t-isa ay mahirap nga talaga ang humiling ng basta basta lamang, hiniling ko na makausap ang katulad nya at marahil ay wala ng susunod bukod pa rito. Naniniwala parin ako na malayo man ay kaya kong marating ang sing layo ng kanyang kinaroroonan. Madalas kaming naguusap sa kada uwi ko galing sa Unibersidad at hinahabol ko ang oras para lamang makipagusap sa kanya ay makita sya. Gusto ko siyang maging asawa. Minsan narin siyang nilamig ng kanilang panahon, binigyang pansin ko naman ito at upang masabi ko ang aking gustong iparamdam, nais ko siyang bigyan ng mahigpit na yakap at mainit na halik sa kanyang labi. Ang kanyang mga ngiti ay nagsisilbing hudyat na pagsaggot na oo. Ang bawat salita ay may kasabay na halik na gaya sa aking nakalipas na pag-ibig, oo sa aking nakalipas na pag-ibig. Gusto ko siya na maging ina ng aking magiging anak; marahil ay kambal sapagkat yun din ang nais niya. Ano kaya kung ako’y maging ganap na mayaman at kayang bilhin ang mga mamahaling bagay, kayang marating ang mga malalayo at kayang bisitahin ang nais puntahan, kaya nya kayang ibigay sa akin ang salitang “mahal”? Ang mga salitang binanggit ko ay tunay, ang bawat pangyayari, ang mga oras na aming pinagsaluhan bawat gabi ay kawiliwili. Ang aming pag-uusap ay magiging matagal habang sa kilala nya ako at kilala ko sya.
No comments:
Post a Comment