Damdaming napapagod at nasasaktan. Pinipilit na
ibangon ang mga tuhod mula sa kahirapan, at
sa pag-iisa ay tahimik ang aking paligid iniisip ko
kung papaano at ano ang aking gagawin.
Pinipilit alamin kung bakit ganito ang naging
aking buhay sa ngayon, natatanong sa
sarili ano ba tlg ang gustong mangyari sakin
ng Panginoon ko. Ayaw kong mabuhay ng
walang dahilan ngunit sa pagsisikap kong malaman
ang ganitong aspeto ay minarapat ko nalang
hayaan ang tadhana na gawin ang kanyang mga
balakin sa akin. Kalungkutan sa araw at
gabi, katahimikan sa bawat oras, Hindi
makatulog sa gabi sapagkat dinadalaw ako ng
kung ano. Panalangin ko na sa abot ng aking
makakaya at pagiging matapang ay malampasan
ko ang hirap ng aking kalagayan. Puno na ang
damdamin ko ng luha at nakita ko ang aking mga
luha buhat sa langit na syang bumabaha sa lupa.
Ayaw kong umiyak sa dahilang kinikimkim ko
ang aking kalungkutan at pagdadalamhati at
hinahayaan na mahupa ito. Kinakausap
ang sarili bunsod ng pag-iisa, di makasalo ng
iba sa ganang aking larawan. Hinahayaan ang
puna ng bawat tao.....(itutuloy.....)

-Alexis
1960
1960