Wednesday, January 30, 2008

Pansinin natin sila.

Pansinin natin silang mga gaya nila at gaya ko. hindi ba't parepareho naman tayong mga Pilipino, pareparehong tubo sa mahirap na bansa, isang batayan ng kinalolooban ng mataas sa langit. Hindi man sila nakapag-aral sa mataas na antas, hindi man sila katangitangi sa klase ay mayroon din silang natatagong talino na hindi maaaring nakawin ng sinoman. Isang hindi matalino at matalino, isang kapus-palad at isang mayaman, isang madaldal at isang mabunganga, isang maykapansanan at isang kumpleto ang katangian, lahat ng ito ay wangis ng tao maging sinoman. Sa henerasyong ito, hindi na nila pinansin ang mga taong walang mataas na antas ng pag-iisip kundi ang mga tao na mayroong mataaas na pinag-aralan o sa madaling salita, mga matatalino, ngunit ano ang katangian at ano ang dapat nating maging basehan para sabihing may talino din ang taong gay nila? Madalas itong sinasabi sa kanila; "may talino kang hindi maaaring nakawin ng sinuman". May isang nilalang na nabuhay sa larangan ng musika, isang mahirap na tao at hindi nakapag-aral sa isang mataas na antas ngunit ang kanyang katangian ay likas na kagandahan, waring galing sa alapaap, naging kumpositor at ngayo'y kinikilala sa buong mundo maging ang Pilipino. May kilala akong nilalang. Isang mahirap na tao, binabatikos dahil sa kanyang kagilagilalas na tapang ayon sa katotohahan, ibubuwis ang buhay ayon sa pagmamahal sa kapwa, ang tanging hawak ay ang aklat ng buhay, ano nga ba ang aklat ng buhay para sa mga nakapag-aral sa matataas na antas na ngayo'y kinikilala sa bansang ito? May katangi-tanging talino na hindi maaaring nakawin ng iba, gayun din ang mga matatalinong tao sa henerasyong ito ay hindi makasalag ng kanilang hindi kapantayan at kasukatang talino sa taong yaon. Tanging isang naging presidente ang nagsabi ng ganito, "hindi mo maituturing na iliterado ang isang tao kung alam nya ang aklat ng buhay". Isa siya sa mga maytalinong di maaaring nakawin ng sinuman. May nalalaman akong bagay, hindi basihan ang kagalingan ng tao ayon sa istatwang hubad, hindi basihan ang kagalingan ng tao ayon sa isang araw na may labing-anim na sinag at sa agilang asul at sa pana. Lahat sila ay may katangiang maaaring maging mababaw sa katangian ng mga nilalang na may katangitangi at kagilagilalas na talino, may dedikasyon, paniniwala na ang tao'y may talinong hindi maaaring nakawin ng sinuman,ito'y bigay ng kataas-taasa, may prinsipyo. Pansinin ang mga taong katulad nila sa lipunan hindi lamang ang mga taong nililinang ang lenguwahe sa panibagong lenguwahe dahil hindi ito ang pagiging Pilipino ng isang Pilipino kundi pag-iiba ng bunga.

Join my groups!

  • http://thepotentialart.multiply.com
  • http://akosiwil.multiply.com

About Me

Parañaque, NCR, Philippines
a humble guy