Friday, December 14, 2007

Ang alindog sa malayong Silanganan

Part 3


Umaga nanaman at nagmumuni, sa malayong silanganan
ay inalala ang nakaraan. Napansin kong maraming mga
dalagang naggagandahan, kanilang ipinabungad ang balat
ng porselana sa madla, kanila rin namang ipinabungad ang
pagpapasikip ng kanilang mga suso. Alam ko ang layunin
nila, bakit ka mag mamaganda sa madla kung wala kang
motibo at sa may di kalayuan ay may mahangin na ihip sa
dakong kaliwa ko at harap. Hindi ko sinadyang makita ang
kanilang mga hita bagaman wala akong ginagawa, yumukod
ako sa likuran. Pinalilibutan ng maraming dalaga na may mga
kolerete sa kanilang katawan, hapit ang damit at hapit ang
pantalon, bakas ang magandang hubog ng kanilang katawan,
may mga mapupulang pisngi at ang mga labi, may mababangong
ligaya. Gusto kong tikman ang isa at pagkatapos ay ang isa
rin naman, gusto kong matikman ang sarap ng ligaya sa
sandaling oras, isang oras o hanggang limang oras ay ang
paghahambog ko. Maalindog ako pag dating sa romansa
at pinang gigigilan ko ang babaeng may pamigkis sa susong
malaki, habit at bakas ang magandang hubo ng katawan
ngunit inisip ko na pagkatrapos kong man na gawin iyon ay
anong mangyayari sa akin. Ganun parin at walang magandang
mangyayari, mararamdaman mo lang ang ligaya sa sandali
ngunit hnidi ang tunay na hinahangad ng magandang puso.
Ayaw ko itong gawin pero narito ang demonyo sa paligid
at naghahanap ng kanyang masisila at makakasama sa impierno.
Sa kabila ng lahat ng ito, nag titiis ako hanggang makahanap ako
ng isang birhen sapagkat siyang kapuri-puri magpakailanman at
bukod dito, nais kong baguhin ang kabataan ko at magsimula
ng panibaong buhay ngunit humahadlang ang tadhana sa balak
kong ito. "Bakit kaba ganyan Alexis?", ito ang tinatanong ng
konsensya ko. "Ano ba talaga ang gusto mo, magbagong buhay
habang bata pa o magpakasawa muna habang bata pa?
sabi mo noon sa sarili mo nais mong magbago pero hindi
naman pala natutupad bunsod ng maraming tukso at
pagkakaabala sa isip mo". "Tila marami kang gustong
mangyari sa buhay mo at hindi mo maintindihan ang mismong
nilalaman ng iniisip mo!." Minsang naitanong sa sarili na,
"kung mamamatay lamang ako ay ayaw ko namang dumating
sa oras na mamamatay ako sa sarili kong kamay". Sinabi ng sarili,
"gusto kong ilibing ang aking katawan at mag pahinga na
lamang kung wala rin namang akong kabuluhan sa lupa,
gusto kong bumalik sa alabok, gusto ko sanang kunin ang
kaluluwa ko ng Pangioon ko, gusto kong maging alagad ng kabutihan
pag akyat ko sa langit."
(
itutuloy.....)


-Alexis
1960

Join my groups!

  • http://thepotentialart.multiply.com
  • http://akosiwil.multiply.com

About Me

Parañaque, NCR, Philippines
a humble guy