Part 9
Lumipas na ang mga araw na nagdaan, lumipas na din
ang mga kalungkutan, ngunit di ako pinapatakas ng mga ito.
Sa aking pagliliwaliw, pilit parin akong ginagambala sa aking
pag-iisa, sa isipan ko'y nais kong sabihin na bakit sa lahat ng
mga tao na nasa lupa ay ako pa ang napiling gambalain,
ginagambala nga ba o may nais iparating sa akin ang langit?
Iginigiit ko sa aking sarili na ako'y masaya ngunit nakapasakim
ang paligid sa akin, may mga matang nakatitig na di
kanais nais, mga mga galaw na di katanggap-tanggap.
Liban sa aking paglalakad, may isang lugar akong nakita,
isang tahimik na lugar, napakagandang pagmasdan at ito
nga, binilang ko ang ilaw sa lugar at ang bilang ay labindalawang
ilaw, sa gabi ay napapasailalim ang isang romantikong kulay,
sa araw ay napapasailalim ang katahimikan. Binagtas ko
ang lugar, lumabas ako at nabilang ko ang mga lakad ko,
isang humigit kumulang isang daan at dalawamput walo
ang bilang ng hakbang bago ako makarating sa aking parating
inuuwian, madalas kong tanawin ang dagat kung saan nais
kong magpalipas ng panahon, panahon ng pag-iisa, mga
kalungkutan, kasiyahan, pagdaramdam o pighati. Minsan
na akong umupo sa harap niyaon at tinititigan ko lamang
ang araw hanggang sa pagbaba nito, may liwanang ang
kalangitan, napakabuti ang pagbibigay sinag sa karamihan,
tuwing tititig ako sa bagay na iyon ay sinasabi ko sa aking
sarili na sana ay may taning na ang aking buhay upang
maranasan ko ang di kawasang pagpapahinga ng aking
katawan, gusto kong humimlay ng mahabang panahon,
hindi ko pinananatili ang luha sa aking mga mata bagkus
isang patak lamang ay maaari ko nang ilabas ang pighati ng
aking puso. Labis kong iniisip na malulungkot lang ako kung
mawawala rin lamang ako, ayaw kong iwan ang aking ina at
ama, mas tatanggapin kong iwan nila ako at lakbayin ang hirap
na kanilang naranasan sa kanilang pagtatanda. May kamalayan
sa aking paggunita na aking iniisip, paano kung ako ang mawawala,
ano ang kanilang sasabihin? O giliw ko, tulungan akong lampasan
ang aking naranasang hirap at pighati, kanila na akong itinataboy
sa liwanag, kanila na akong iwinawaksi sa apoy, kung di man ay,
hndi ako mamamatay nang hindi lumalaban, mas nanaising
mamatay kaysa mawala ang aking dangal. (itutuloy.....)
1960