Sunday, March 9, 2008

Ako at ang Matandang lalaki sa Tabing dagat.

Chapter 2
Part 2


Sa kasalukuyang panahon, isang binibini ang aking
nagustuhan kahit sa sandali ng pamamalagi sa lugar,
binihag ako ng kanyang kasimplehan, may mga hiyas sa
kanyang katawan, may magandang korte ng katawan, isang
pilibusterong binibini, sa kanyang mapupulang labi, ang kanyang
bilugang mga mata, ang kaibig-ibig na kilos. Kinabukasan
ay nabanaag ko, isang labong ng bulaklak na dala ng binata,
tinitigan ko lamang sila at hindi kumibo. Hindi ako kilala
ng dalagang iyon, isa syang magandang dilag sa aking paningin
at tangi kong inaalala kung ano ang pakiramdam ng
pagkakaroon ng isang nililigawang irog o magkaroon ng
isang kasintahan. Tumitingin lamang ako sa paligid, bawat
lakad at hakbang nila ay aking pinagmamasdan, sa isang
tahimik na lugar, nakaupo ako sa tabi at hinihintay ko
ang paglabas ng binibini sa kainan kasama ng kanyang
binata. Kinaiinggitan ko ang lalaking iyon, gusto ko
syang suntukin at itulak palayo o ihagis sa dagat, batukan
at kunin ang kamay ng dalaga. Ipinakikita naman ng aking
kilos na nahihiya akong tumingin sa mga mata ng dalaga.
Akin ngang sinabi, "sana ay pansinin nya ako kahit man lang
bigyan ako ng isang sulyap ay sya nang ikatutuwa ng aking
damdamin". Hinintay ko ang bawat sandali atdi naglaon ay
pinagbigyan ako ng tadhana sa aking kaliit-liitang hiling.
Sa oras ding yaon ay tumingin ako sa malayo, tangi kong
tinitingnan ang sinag ng araw sa banig ng dagat sa katahimikan
nito, ngunit sa pagkakatagal na pagtitig sa paglubog ng araw
kasabay ang walang hudyat na pag-papaalam ng dalaga,
walang iniwang ngiti, walang iniwan ng bakas ng pagsulyap,
walang iniwang bango ng kanyang katawan, wala. Hindi ko
alam kung ano ang susunod kong gagawin sa tabing dagat,
sa aking pananatili, o kung akin bang lilisanin ang lugar
sapagkat wala na ang dalaga sa lugar o mananatiling maghihintay
ng panibagong nginti at sulyap. At sa paglipas ng oras ay
unti-unti rin namang dumarami ang mga tao sa lugar,
palubog na ang araw at narito, isang matandang lalaki na
may dala-dalang pamingwitat mga pain. Pumili sya ng lugar
at naupo sa buhanginan malapit sa aking kinauupoan.
Kanyang inihanda ang pamingwit at nilagyan ng pain sa
kawit, kanyang inihagis ito sa malayo at naghintay ng ilang
sandali. Nagmuni ako, nag bakasakali, nag hintay ako, at
heto hinihila ng isda ang kawit at pagdakay tumayo ang
matandan at nang hinila nito ang kanyang pain ay wala
akong nakitang isda ni maliit na isda. Ikalawang pagkakataong
ay nilagyan nya ito ng pain sa kawit, inihanda at inihagis sa
malayo, umupo ang matanda at tumingin sa malayo, tanging
ako lamang ang nanonood sa matnda kung paano pagtiisan
ang paghihintay sa paghuli ng isda gait ang katutubong
pamingwit na gawa sa isang kawayan at tali. Muling may
isdang humila sa pamingwit at pagdakay tumayo ang matanda
at unti-unting hinila ang pamingwit, walang reaksyon ang mukha
ng matandang lalaki. Tanging nagpapatatag ng kanyang
pagtitiwala ay ang kaalamang hindi maaaring mawalang ang
mga isda sa dagat. Sa ikatlong pagkakataon ay nilagyan na muli
ng pain ang kanyang pamingwit at inihagis sa malayo, siya'y
umupo habang lumubog na ang araw. Sa pagkakataon na iyon
ay hindi nawawalan ng pagtitiis ang matanda. Swerte ang matandang
lalaki kung isa man lang na isda ang mahuli ng kanyang pamingwit
umabot ng ilang oras ang paghihintay at pagtitiis ng matandang lalaki.


Alexis 1960

No comments:

Join my groups!

  • http://thepotentialart.multiply.com
  • http://akosiwil.multiply.com

About Me

Parañaque, NCR, Philippines
a humble guy