Part 4
Malamig sa akin ang gabi, di ko mahawakan ang
malambot na hangin, tititig nalang ba ako sa ulap
upang makawasan ang patak ng luha at manatili
sa mata na lamang? Sa may malapit na tanawan
ng bituin sa alangit, ako ay naka tayo at malalim
ang iniisip. Parang gusto kong umiyak pero ayaw
ko, gusto bang sabihin ng puso ko na walang nag-
mamahal sa akin? Ano ba talaga ako sa mata ni ina'y?
natatakot ako na sa bandang huli ay pabayaan lang
ako ni ina'y at ako'y maging palabo'y sa lansangan
(lumuluha..) Pero sambit ng aking dibdib na bago
man iyon mangyari ay patatatagin ko ang aking
damdamin kahit na walang magmahal sa akin at
sarili ko lamang ay lalayo ako at maghahanap ng
kasiyahan ko sa buhay. Mariin kon rin namang
sinasabi sa aking sarili na may silbi rin naman ako
pero tawagin mo ang aking pagalan at darating ako
at sa oras na hndi ako mahagilap ninoman ay hindi
ko sasadyaing di sumipot sa pagkakataon. Naghanap
ako ng binibini ngunit wala akong makita, aking
siyang binigyang pansin ngunit hindi ako pinakinggan,
ako'y nagpakitang baba ng loob upang masaksihan
ng kanyang puso ang aking pakiramdam ngunit hindi
pala ito ang naging batayan sa sandali datapwat may
mga bagay silang tinatangkilik liban sa mga sinabi ko.
Kanilang iniibig ang mga nag gagandahang lalaki, may
pera at mayaman, naililibot ng kanyang irog ang irog
at nadadala ng mabulaklak na pananalita at nagbubunga
ng sandaling saya. O ang tao nga'y may kanya kanyang
gusto at ayaw, iniisip ko na sana ay mawakasan ko ang
lahat ng ito at mapagtagumpayan ko sapagkat gusto
kong maramdaman ang malaking ganti ng langit sakin
kung ako man ay sasabak sa kasamaan ng tao. Silang
mga tao ay namamata at nang aapi, sabihin man ng
kanilang labi o hindi ay marunong akong makiramdam,
marunong mahiya at marunong umunawa. Lumapit
ako sa dalaga dahil gusto kong mag pahangin, lumayo
siya na sa kanyang dahilan at iniisip ay maaari ko siyang bastusin,
maaaring nakawan, lumalayo siya dahil hindi nya ako
kilala, minamata ako ng kanyang mga mata na parang
gusto niyang sabihing "sino ba ito at naririto sa
tabi ko, sana umalis kana diyan!" malinaw ang lahat
sa akin, iniintindi ko na lamang ang kanilang iniisip
sa akin pero ano man ang kanilang ipuna sa pagkatao
ko ay malulungkot ako ngunit ang pagkatao ko ay
hndi mawawala't magbago man. (itutuloy.....)
1960
No comments:
Post a Comment