Part 5
Ala una ng madaling araw ay nananatiling gising ang
aking diwa, nagbabakasakaling may marinig sa
sasabihin ng bulong ng isip. Nasaksihan ko ang
kasamaan nga, naririto't hindi nalalaman ng marami
na may makapangyarihang tao sa lupa at siyang
ginagawang bato ang mga pusong puspos ng maka
mundong nais. Lulan ng malaking pag-iisip ko ay ang
bagabag, bumabagabag sa aking ulo, kinakalabit ng di
kawasang pag-gising sa gabi at araw, pinaiikot ng ulo
ang katawan sa higaan, hindi makatulog at di malabanan
ang walang humpay na lakas ng sariling diwa.
Natatakot ako sa kung anong mangyayari sa wakas
ng lupa at sa dagat o bago man mangyari ang lahat
ng ito ay ipinananalangin na huwag maabutan ng
dilim ang mga matang nananalaysay sa liwanag,
ramdam ng aking pag-iisip ang bagabag at ang
dala nitong gulo sa balat ng alabok, tinatanong sa
mismong sarili kung sino ang taong yaon o ano ang
gagawin niya sa oras na dumating ang kanyang
masayang araw ng pag-dalaw sa mga kaluluwang
naninirahan nang buhay. Sarili kong konsensya ang
siyang tumatakot sa akin, sa aking kaluluwa, sa aking
diwa,.....oh bagabag sa isipan ko; kailan ka mawawala
at titigil ng iyong pag-dalaw. May tanglaw ang gabi
at may tanglaw ang umaga, sinong papanig sa dilim
at sinong papanig sa liwanag? Bagabag sa isipan ko,
"malalaman ko ba kung ako'y tulog ay babalik na sa
alabok?", "iminumulat ko ang mga mata ko at ako'y
bumabangon, isang panibagong araw ang sasapit"
Alas dos ng madaling araw, tila sariwa ang gunita
ko, walang ihip ng hangin, ni pagkagutom, ni pagka-
uhaw, ni antok man ay di ko maramdaman, tanging
pawis ang nanalaytay sa aking mukha, nakaupo't
nagiisip, natatakot sa sariling higaan, sambit sa sarili,
"ayaw ko pang matulog pero hinahamak ako para
humimlay na, hinamamak din naman ako upang mag-
isip pa", tinanong sa sarili, "ganito ba ang aking kapasidad
sa buhay, ganito ba ang takbo ng aking buhay, ganito ba
kung papaanong ako ay bigyang bagabag sa isipan ko?
ganito ba,ganito ba...?", lahat ng ito ay siya kong tinanong
ng walang humpay. Kinapootan ko ang gabi sapagkat ako'y
binabagabag ng lalaking yaon, datapwat nalalaman
ng sarili na hindi pa tapos ang lahat ng ito. Kinapopootan
ko ang gabi ng aking bagabag. (itutuloy.....)
1960
No comments:
Post a Comment