Thursday, December 13, 2007

Ang umaga sa Disyembre

Part 2

Gaya ng aking ama na tinatapakan ang pagkatao
ng mga nagsisilakihang pangalan sa baryo. Animo'y may
pinag aralan nga't walang prinsipyo. Ang aking ama ay
may prinsipyo gaya ko rin naman na matapang ang kalooban.
Ginising ako ni ama upang alamin kung ano ang ibabayad ko sa
kailangan ko at hindi naman ako nag atubiling sumagot sa kanya at
pag dakay inabot ang perang dalawang libo ngunit
nakikita ko sa mga mata nya ang mga luhang ayaw
bumagsak upang di ko masaksihan ang kahirapan sa
kanyang nararanasan. Alam ko kahit hndi nya sabihin
dahil anak nya ako, bakas sa mukha nya ang hirap ng
pagtitiis sa pang aapi ng mga tao sa kanya at sa tuwing
nalulugmok at nalulungkot ang kanyang pag-ibig ay
gayun din ang nararamdaman ko. Masakit isipin na
kami ay apiapihan lamang sa harap ng tao ngunit
batid ko na sa ganang kakayahan ay ipinamumungkahi
din namin sa lahat na may silbi rin kami sa lipunan.
Tinanatong ko ulit sa umaga kung bakit ganito ang
pagising sa akin ng tadhana, ano ba talaga ang gustng
mangyari sa amin ng panginoon ko. Masakit masaktan
sa kamay ngunit mas masakit sa damdamin kung makikita
ko ang aking minamahal na nalulungkot, aalis ako sa
umaga at maghahanap ng panibagong gawain sa dahilang
kinakailangan ang utos ng aking magulang para sa
kinabukasan namin.(itutuloy.....)


-Alexis
1960

No comments:

Join my groups!

  • http://thepotentialart.multiply.com
  • http://akosiwil.multiply.com

About Me

Parañaque, NCR, Philippines
a humble guy