Friday, December 7, 2007

The sunflower and the girl

Hello sa inyong lahat! Ito ang ipininta kong munting binibini na nakatalikod. ipininta ko siay dahil maganda siyang binibini, isang araw ko itong ginawa at ang ibinilad ko sa arawan ay hndi napansin na nakalapag pala ito at natapakan. Talagang sumama ang loob ko ng nakita kong natapakan ng kapiranggot, kahit na kapiranggot lang ang rumi ay hindi ako papayag na dumapo ito sa pinaghirapan ko dahil pinapahalagahan ko ito. Gawa ito ng aking pagsisikap at pag titiyaga para lamang matapos ang simpleng pinta. Napapasaloob dito ang aking imahinasyon at pagkatao kaya ayaw kong dumapo ang katiting na rumi sa pinaghirapan ko lalo na't mahalaga ito para sa akin. Ganito ako kaestrikto sa mga obra maestra ko. Ito'y mananatili hanggang sa ako'y tumanda upang mailagay ko rin naman ang aking lagda ng aking kabataan hanggang sa pagtanda at hanggang sa magpunla ang aking pagkalalaki. O hindi ba't ang drama noh? (napangiti....) kayo? anong naiisip nyo kapag kayo'y nagmumuni? (nag iisip.....)

-Wilfredo Bolbes

No comments:

Join my groups!

  • http://thepotentialart.multiply.com
  • http://akosiwil.multiply.com

About Me

Parañaque, NCR, Philippines
a humble guy