Tuesday, May 27, 2008
Sunday, May 25, 2008
Ang papalapit na buwan ng Hunyo
Chapter 2
Part 4
Isang panibagong buwan nanaman ang paparating,
buwan ng hunyo at ang lahat ay magiging ibang muli,
ang mga kabataan ay magiging abala sa kanilang pag-aaral
at habang ang iba naman ay magiging abala sa takdang aralin.
Buwan ng hunyo kung saan paparoo't parito ang mga tao, sila'y
walang inaaksayang oras, sila'y nasa kanilang tungkulin.
Ito ang panahon ng pagiging matino sa eskwela, pagiging
masunurin kay maestro, masusi ko rin naman pinag-aaralan
ang mga bagay-bagay sa loob at labas ng kwarto at
anumang ituro ni maestro ay aking itatanim sa isipan ko.
Handa na akong harapin ang mga panibagong pagsusulit,
ang mga panibagong aralin, ang mga panibagong kaibigan
at magiging kaklase sa eskwela. Isang panibagong yugto
ng aking buhay at marahil ay magiging abala rin ako sa
aking mga aralin at ayaw ko rin namang mag aksaya ng
panahon hanggang sa ang trabaho ko ay hindi pa natatapos,
ang lahat ng aking mga trabaho ay hindi maaaring maabala
hanggang sa ang aking layunin ay hindi ko pa naaabot.
Naalala ko noon noong ako'y nasa mataas na paaralan,
aking binubunot ang sahig, kanila akong tinatawanan,
inaalimura palibhasa ay ganun na lamang ang aking pisikal
na katayuan sa buhay, ang polo ko'y manipis at naninilaw na.
Hindi ko din alintana ang bawat bulong ng mga kaklase
ko sa loob ng kwarto, akin lamang ginagawa ang trabaho,
ang utos, ang layunin at sa ganitong paraan ay natuto akong
makipag laban at humarap sa anumang pagsubok sa buhay.
Ang lahat ng aking pagtitiis sa mga gayung bagay ay resulta
ng pagiging matiyaga, mapagdasal ng pangangailanang pang
espiritual, determinasyon at disiplina. Ito ang naging pundasyon
ng aking tapang upang mailathala ko ang mga bagay-bagay
na literal at di literal. Naalala ko rin naman nang ako'y nasa
elementarya pa lamang, ako'y isang aktibong mag-aaral at
may katamtamang dunong, ako'y maabilidad at naging pinuno
ng isang samahan sa eskwelang aking pinasukan. Palibhasa'y
tahimik ako sa kwarto, masayahin at palakaibigan, walang iniisip
na masama o mangyayaring masama man ay kanila naman
akong niyuyurakan sa loob at labas ng kwarto at oo lumipas
ang ilang araw ng aking pamamalagi sa eskwela ay may
nagtangkang suntukin at bugbugin ako, palibhasa'y malaking
tao at siga sa loob ng kwarto. Nangyari ngang nilabanan ko ng
manu-manong suntukan ang batang lalaki, isang suntok ang
biglang sumugod sa akin ngunit ako'y nakailag sa suntok na iyon
at palibhasa'y mabilis at malakas akong sumuntok ay binigyan
ko siya ng isang pitik na suntok ngunit hindi siya natinag
hanggang sa gumanti muli ang lalaki at swerte naman akong
nakailag sa suntok niya at palibhasa'y mahina siya ay ako
naman ang gumanti hanggang sa siya ay nanahimik.
Ipinaglaban ko rin ng suntukan ang aking kaibigan sa
labas ng eskwela, isang maliksing bata, matapang at
tahimik ngunit may pagkahambog. ang aking kaibigan na si
dandan ay isang maitim na lalaki, isang tahimik at mabait na
bata, isang matalino at masunurin sa magulang, ang kanyang
ina ay isang guro at kaibigan ng aking ina. Lumipas ang ilang
oras hanggang sa sumapit ang oras ng uwian sa klase, palibhasa'y
bata ay bumili ng laruan na kanyang matagal ng nais bilhin at
laruin at narito na nasalubong namin ang kanyang kaklase ay
pinilit na inagaw sa kaibigan ko ang laruan at palibhasa'y iyakin
ang aking kaibigan at natakot sya na baka siya ay bugbugin ng
isang maliksing bata. Di naglaon ay pinagtanggol ko ang aking
kaibigan at kinuha ko ang laruan at ibinigay sa aking matalik at
kaisa-isang kaibigan na si dandan. Sinunggaban ako ang suntok
sa mukha hanggang sa ako'y muntik na matumba at agad din
naman akong gumanti ng suntok ngunit hindi pa doon natapos
ang kwento ng aming away, nagsakitan kami hanggang sa
nakita ko ang stansa na masakal ang kanyang leeg sa pamamagitan
ng aking kaliwang braso paikot sa kanyang ulo at di naglaon ay
ginulpi ko siya hanggang sa inawat ako ng kaibigan ko ngunit
hindi ako nagpigil sa paggulpi ko sa kanya sapagkat siya'y
masamang bata. Dinampot kami ng may kapangyarihan ay
dinala sa loob ng isang opisina kung saan dinadala ang
masasamang tao, kung saan dinudulog ang bawat reklamo.
Tinanong ako ng maykapangyarihan at nagpaliwanag sa harapan
niya; aking sinabi na ipinagtanggol ko ang aking kaibigan
dahil kinuha niya ang laruan nito sa kanya.
(itutuloy.....)
Posted by Wilfredo at Sunday, May 25, 2008 0 comments
Saturday, May 24, 2008
Friday, May 16, 2008
Hindi Mapakali
Chapter 2
Part 3
Natapos ko na ang aking mga pagtitiis sa mga nakaraang hapon, umaga,
gabi ng nakalipas na taon at ngayon naman ay aking masisilayan ang panahon
ng tag-ulan at tag lamig. Aking hinahanap hanap ang mga bagay na makapag
bibigay aliw sa akin, sa aking piling; oo pati narin ang mainit na pakiramdam
ay akin din namang hinahanap hanap. Narito, isang lalaking nag ngangalang
buchoy ang hindi mapakali sa panahon ng tag-lamig at tag-ulan, nais ng
kanyang mga paa na lumakad lakad sa daan, sa malalayong lugar kung saan
hindi sya matatanaw ng kanyang magulang, ng kanyang mga kaibigan, ng
kanyang pagkabalisa, kung saan sinisilay silay nya ang bawat sandali ng
kanyang kabataan at kanyang nililibang ang bawat oras na sa kanya'y
dumating. Pumaparito't paroon siya sa bawat gabi, oo ang kanyang mga
mata'y nakakarating sa dakong kanan maging sa dakong kaliwa, maging
sa dakong harapan at likuran. Isang leon na nais sumila ng laman sa gabi,
may mga matatalim na mata, may liwanag ang kanyang mga mata sa dilim.
Isang mapusok na nilalang sa gabi, isang tahimik sa araw, siya na nagnanais
na tumikim ng isang babae, o marahil ay dalawa nang sa gayun ay makontento
at hindi mapakali sa panahon ng tag-lamig. Ang mga kaba sa kanyang dibdib
ay iba sa kaba ng nakalipas at sa panahong iyon ay mananatiling mapusok sa
gabi, sa laman, isang maninilang leon hanggang sa ang panahon niya'y hindi natatapos.
Posted by Wilfredo at Friday, May 16, 2008 0 comments
Join my groups!
- http://thepotentialart.multiply.com
- http://akosiwil.multiply.com
About Me
- Wilfredo
- Parañaque, NCR, Philippines
- a humble guy