Wednesday, January 30, 2008

Pansinin natin sila.

Pansinin natin silang mga gaya nila at gaya ko. hindi ba't parepareho naman tayong mga Pilipino, pareparehong tubo sa mahirap na bansa, isang batayan ng kinalolooban ng mataas sa langit. Hindi man sila nakapag-aral sa mataas na antas, hindi man sila katangitangi sa klase ay mayroon din silang natatagong talino na hindi maaaring nakawin ng sinoman. Isang hindi matalino at matalino, isang kapus-palad at isang mayaman, isang madaldal at isang mabunganga, isang maykapansanan at isang kumpleto ang katangian, lahat ng ito ay wangis ng tao maging sinoman. Sa henerasyong ito, hindi na nila pinansin ang mga taong walang mataas na antas ng pag-iisip kundi ang mga tao na mayroong mataaas na pinag-aralan o sa madaling salita, mga matatalino, ngunit ano ang katangian at ano ang dapat nating maging basehan para sabihing may talino din ang taong gay nila? Madalas itong sinasabi sa kanila; "may talino kang hindi maaaring nakawin ng sinuman". May isang nilalang na nabuhay sa larangan ng musika, isang mahirap na tao at hindi nakapag-aral sa isang mataas na antas ngunit ang kanyang katangian ay likas na kagandahan, waring galing sa alapaap, naging kumpositor at ngayo'y kinikilala sa buong mundo maging ang Pilipino. May kilala akong nilalang. Isang mahirap na tao, binabatikos dahil sa kanyang kagilagilalas na tapang ayon sa katotohahan, ibubuwis ang buhay ayon sa pagmamahal sa kapwa, ang tanging hawak ay ang aklat ng buhay, ano nga ba ang aklat ng buhay para sa mga nakapag-aral sa matataas na antas na ngayo'y kinikilala sa bansang ito? May katangi-tanging talino na hindi maaaring nakawin ng iba, gayun din ang mga matatalinong tao sa henerasyong ito ay hindi makasalag ng kanilang hindi kapantayan at kasukatang talino sa taong yaon. Tanging isang naging presidente ang nagsabi ng ganito, "hindi mo maituturing na iliterado ang isang tao kung alam nya ang aklat ng buhay". Isa siya sa mga maytalinong di maaaring nakawin ng sinuman. May nalalaman akong bagay, hindi basihan ang kagalingan ng tao ayon sa istatwang hubad, hindi basihan ang kagalingan ng tao ayon sa isang araw na may labing-anim na sinag at sa agilang asul at sa pana. Lahat sila ay may katangiang maaaring maging mababaw sa katangian ng mga nilalang na may katangitangi at kagilagilalas na talino, may dedikasyon, paniniwala na ang tao'y may talinong hindi maaaring nakawin ng sinuman,ito'y bigay ng kataas-taasa, may prinsipyo. Pansinin ang mga taong katulad nila sa lipunan hindi lamang ang mga taong nililinang ang lenguwahe sa panibagong lenguwahe dahil hindi ito ang pagiging Pilipino ng isang Pilipino kundi pag-iiba ng bunga.

Friday, January 25, 2008

Lumipas na ang buwan

Part 9

Lumipas na ang mga araw na nagdaan, lumipas na din
ang mga kalungkutan, ngunit di ako pinapatakas ng mga ito.
Sa aking pagliliwaliw, pilit parin akong ginagambala sa aking
pag-iisa, sa isipan ko'y nais kong sabihin na bakit sa lahat ng
mga tao na nasa lupa ay ako pa ang napiling gambalain,
ginagambala nga ba o may nais iparating sa akin ang langit?
Iginigiit ko sa aking sarili na ako'y masaya ngunit nakapasakim
ang paligid sa akin, may mga matang nakatitig na di
kanais nais, mga mga galaw na di katanggap-tanggap.
Liban sa aking paglalakad, may isang lugar akong nakita,
isang tahimik na lugar, napakagandang pagmasdan at ito
nga, binilang ko ang ilaw sa lugar at ang bilang ay labindalawang
ilaw, sa gabi ay napapasailalim ang isang romantikong kulay,
sa araw ay napapasailalim ang katahimikan. Binagtas ko
ang lugar, lumabas ako at nabilang ko ang mga lakad ko,
isang humigit kumulang isang daan at dalawamput walo
ang bilang ng hakbang bago ako makarating sa aking parating
inuuwian, madalas kong tanawin ang dagat kung saan nais
kong magpalipas ng panahon, panahon ng pag-iisa, mga
kalungkutan, kasiyahan, pagdaramdam o pighati. Minsan
na akong umupo sa harap niyaon at tinititigan ko lamang
ang araw hanggang sa pagbaba nito, may liwanang ang
kalangitan, napakabuti ang pagbibigay sinag sa karamihan,
tuwing tititig ako sa bagay na iyon ay sinasabi ko sa aking
sarili na sana ay may taning na ang aking buhay upang
maranasan ko ang di kawasang pagpapahinga ng aking
katawan, gusto kong humimlay ng mahabang panahon,
hindi ko pinananatili ang luha sa aking mga mata bagkus
isang patak lamang ay maaari ko nang ilabas ang pighati ng
aking puso. Labis kong iniisip na malulungkot lang ako kung
mawawala rin lamang ako, ayaw kong iwan ang aking ina at
ama, mas tatanggapin kong iwan nila ako at lakbayin ang hirap
na kanilang naranasan sa kanilang pagtatanda. May kamalayan
sa aking paggunita na aking iniisip, paano kung ako ang mawawala,
ano ang kanilang sasabihin? O giliw ko, tulungan akong lampasan
ang aking naranasang hirap at pighati, kanila na akong itinataboy
sa liwanag, kanila na akong iwinawaksi sa apoy, kung di man ay,
hndi ako mamamatay nang hindi lumalaban, mas nanaising
mamatay kaysa mawala ang aking dangal. (itutuloy.....)


-Alexis
1960

Tuesday, January 8, 2008

Pera muna bago ang buhay

Gusto kong isigaw sa karamihan na magsipaglayag kayo ng magandang buhay, ilayag mo nang yumaon ka, nag sipag-aral ng karangalang dala at kadaki-dakila sa mata ng madla ngunit kung ang pinag-aralang iyong dala ay idadaan lamang sa sariling interes at hindi ng pag tulong sa ibang tao ay ihinihiling kong halikan ng iyong mga tuhod ang putik! Hindi kayo karapat dapat na maging sinuman sakaling magutom ng bulsa at isawalang bahala ang buhay ng nag-aagaw buhay, hindi ito ang tunay na ugali ng tunay na pilipino! Hindi tayo nagsikap para lamang magkapera! Hindi tayo nag-aral para lamang guminhawa ang buhay! Hindi tayo nag-aral para magtanim ng sama ng loob o ano man! Hindi tayo nag-aral para malimutan natin ang lumikha sa ating na siyang may hawak din naman ng buhay mo at kapalaran mo! Wala akong nababasang libro na maaaring maga sabi na nag-aaral ang tao para guminhawa ang buhay at para kalimutan ang diyos! Kayong mga doctor na ginagalang ng duka sa pilipinas! dala ninyo ang kaalaman para bumuhay at magpagaling ng sino man! Mga kababayan ko, mula taong 1995 hanggang 2007; nag-kasakit ang aking pamangkin na babae at di na nag atubili ang aking magulang na idala agad ito sa OLIVAREZ HOSPITAL ng Parañaque. Hindi sana nila tatanggapin ang aking nagkasakit na pamangkin na babae dahil sa walang perang dala ang aking magulang! Nagmamakaawa at umiiyak ang aking ina na gamutin nila ang aking pamangkin! Kailangan pa ba ng magulang ko na umiyak sa harapan at mag makaawa sa harap ng mga NURSE AT DOCTOR?! Pangalawa! Namatay ang tito ng aking kaibigan sa loob ng HOSPITAL NG OLIVAREZ! Pangatlo! Namatay ang bunsong babaeng kapatid ng aking kaibigan sa LOOB NG OLIVAREZ HOSPITAL dahil umano'y kulang daw ang pera kaya hindi kayang tustusan ang mga gamutin! Malalaman sa mga maiitim na budhi ng OLIVAREZ HOSPITAL na HINDI NILA IPAPAKITA ANG KANILANG ID O PANGALAN! Pang-apat! Nagkasakit ang aking ina ng dayariya at hindi tinanggap dahil sa kulang ang dala naming pera kaya't dinala namin ang aking ina sa HOSPITAL SA KABIHASNAN at taong 2007, ika-31 ng buwan ng disyembre, nadisgyasya ang aking matalik na kaibigan! ang aksidenteng iyon ay nangyari malapit lamang sa lugar ng OLIVAREZ HOSPITAL, biak ang panga, putok ang batok, bugbog ang dib-dib nito bandang kanan, lalong sumama ang mga pangyayari na sa kasamaang palad ay muling hindi tinggap ng OLIVAREZ HOSPITAL ang aking matalik na kaibigan. ang sabi ng mga nurse at doctor ay ito, "may pera ba yan?". Tanging isang baon lamang ang siyang iniwan sa akin ng kaibigan ko at ito ang kanyang sinabi, "pre, mag-aral kang mabuti at tapusin mo ang pag-aawal mo". Mga kababayan ko, huwag ninyong dalhin ang inyong mga mahal sa buhay maging kamag-anak man o hindi, kaibigan man o hindi sa hospital na walang ibang alam kundi ang pera, walang ibang alam kundi tanungin ang nag hihingalong pasyente kung may pera o wala. Paano na lamang kung si OLIVAREZ ang maaksidente? paano na lamang kung may masamang mangyari sa isa sa kanilang mga magulang o kaibigan? paano kung silang mga doctor at nurse ang naaksidente? pera ba muna o ang pag sagip sa buhay ang dapat unahin? palagay ko kung napaka ipokritong tao ka at nakapa mukhang pera ay walang kasing itim ang budhi! Sila ang mga DOCTOR NA PUMAPATAY! ang pag patay ay hindi lamang mga kamay ang gumagawa kundi ang siyang walang konsensya sa kapwa ang siyang maaaring pumatay sa buhay ng isang tao maging dukha man o mayaman, maging bata man o matanda, babae man o lalake. Tanggapin ng iba na sa Pilipinas ay may mga kahanga-hanagng doctor at nurse na mukhang pera, silay nagsisikap mag aral para hindi sumagip ng buhay kundi yumaman! Ito ang Pilipinas! Ito ang tunay na mukha ng bansa nating mga pilipino! Ako, ikaw, sila, tayo! Talagang sa Pilipinas na ang ibang nurse at doctor, may maitim na budhi din, kung gaano kaputi ang kanilang suot ay gayon din kaitim ang kanilang mga budhi at konsensya! Ito ang aking simulain! Alko si Wilfredo C. Bolbes, isang estudyante, indibidwal at isisigaw ko sa maraming tao ang mga pag-papaimbabaw, pagpapaka-ipokrito, pagiging-sakim, pagiging-makapal ang mukha, pagiging-mukhang pera ng mga INSTITUSYON! MGA ORGANISYASYON! MGA KORPORASYON O KUMPANYA AT HINDI AKO MATATAKOT NA MAGSALITA NG TOTOO IKADAHILAN MAN O IKAHULUGAN MAN ITO NG AKING SARILING KAPAKANAN...........

Monday, January 7, 2008

Paintings for sale!!!


Title: Cutltura caleza painted by Wilfredo Bolbes
Medium: Oil painting in canvass
Size: 20x24
Released: January 4, 2008
Php 3,950.00





Title: "Vigan" painted by Wilfredo Bolbes
Size: 8x10
Medium: Oil painting on canvass
Released: November 28, 2007
Php. 1,489.00






Title: "The great cannon" painted by Wilfredo Bolbes
Size: 12x16
Medium: Water color on canvass
Released: year 2006
Php2,785.00






Title: "Cat on the floor" painted by Wilfredo Bolbes
Size: 13x16
Medium: Oil color on canvass
Released: February 3, 2007
Php2,785.00

http://akosiwil.multiply.com
http://thepotentialart.multiply.com

email add: bolbeswilfredo@yahoo.com
Tel no. 09278846935

Join my groups!

  • http://thepotentialart.multiply.com
  • http://akosiwil.multiply.com

About Me

Parañaque, NCR, Philippines
a humble guy