Tuesday, February 5, 2008

Ika-9 ng gabi

Part 10

ika-9 ng gabi, buwan ng Pebrero nang ako ay nakauwi
galing sa paaralan. Madalas akong pansinin ng
karamihan sa dakong kaliwa, kanan, likod, harap,
tila walang araw na hindi ko maririnig ang kanilang
mga sinambit na wika sa akin. Isa rin naman itong
kalugod lugod para sa akin sa dahilanang mabuti at
napapansin nila ako kahit sa anu mang paraan, mapa
matanda man, mapabata man sila, walang pinipiling
kasarian. Tuwing tinatanaw ko ang mga punong
matataas sa ligid ng lugar na siyang kinaaarian ni
Reyes ay di ko mapigilan ang aking sarili na tumitig sa
mga ganda ng mga punong yaon kahit na sila'y mga
matatanda na o ang mga kababaihan at kalalakihan na
nagsisiupo sa tabing puno ay sya kong tinitingnan. Sa
umaga ay lumilitaw ang karamihan sa dakong di maintindihan,
sa tanghali ay nagpapahinga sa bilog na mga bato at sa gitna
ay ang puno, sa hapon ay naglilitawan ang mga magagandang
dilag, nariyan sa Cruz, Laura, at Magdalena, nariyan din ang
mga mestisong lalaki na walang ginawa kundi ang makihalubilo
sa mga ibang tao at makipagtawanan kasabay ang kwentuhan
at tinitingnan ang mga bawat babaeng dumaraan. Kapansin
pansin rin naman sa pagsakop ng dilim sa liwanang ang mga
nagsisilarong mga kababaihan at kalalakihan pati narin ang
mga bakla sa dalawang espasyong berde, nagsisiliparang mga
bola, mga dilaw na kasuotan sa gabi at sa dakong kanan na
iyon ay ang mga nagpapawisang mga tao na tumatakbo
balik-balik, kapansin pansin rin sa gabi ang mga ilaw ng
parke na may labindalawang sinag na may mga katabing
mga punong matatanda kaharap ang isang imahe ng birheng
babae na si MAria. Dumapit na ang gabi at sinimulan kong
ilakad ang aking mga paa, madalas akong dumadaan sa
kahabaang ilog, may tulay patungong Escolta. Dumadaan
ako sa Casa Rocha kung saan malapit ang labasan ng
Intramuros, may mga kalesang nakaparada na naghihintay
ng mga pasahero, Si señora at señorito at nariyan lamang
na nagpapalamig. Sadyang may kagandahan ang lugar na
madalas kong pinupuntahan, batid ko na doon ako maglilibot
at maghahanap ng isang babaeng aking pakakasalan habangbuhay.
Nagpasya ako sa sarili, na aking ipaglalaro ang aking magiging
anak sa lugar na ito kung saan ako nagliwaliw at nagbuhos ng
mga kalungkutan ko sa buhay, may mga puno ng buko, may
magagandang ilaw sa hilera, may mga istatwang nakatayo,
isang araw sa malayong dagat.



-Alexis
1960

No comments:

Join my groups!

  • http://thepotentialart.multiply.com
  • http://akosiwil.multiply.com

About Me

Parañaque, NCR, Philippines
a humble guy