Monday, February 25, 2008

Alexis in year 1960 chapter 1 "Maligayang Lakbay"

Maligayang Lakbay

chapter 1


Damdaming napapagod at nasasaktan. Pinipilit na ibangon ang mga tuhod mula sa kahirapan, at sa pag-iisa ay tahimik ang aking paligid iniisip ko kung papaano at ano ang aking gagawin. Pinipilit alamin kung bakit ganito ang naging aking buhay sa ngayon, natatanong sa sarili kung ano ba talaga ang gustong mangyari sakin ng Panginoon ko. Ayaw kong mabuhay ng walang dahilan ngunit sa pagsisikap kong malaman ang ganitong aspeto ay minarapat ko nalang hayaan ang tadhana na gawin ang kanyang mga balakin sa akin. Kalungkutan sa araw at gabi, katahimikan sa bawat oras. Hindi makatulog sa gabi sapagkat dinadalaw ako ng kung ano. Panalangin ko na sa abot ng aking makakaya at pagiging matapang ay malampasan ko ang hirap ng aking kalagayan. Puno na ang damdamin ko ng luha at nakita ko ang aking mga luha buhat sa langit na syang bumabaha sa lupa. Ayaw kong umiyak sa dahilang kinikimkim ko ang aking kalungkutan at pagdadalamhati at hinahayaan na mahupa ito. Kinakausap ang sarili bunsod ng pag-iisa, di makasalo ng iba sa ganang aking larawan. Hinahayaan ang puna ng bawat tao. Gaya ng aking ama na tinatapakan ang pagkatao ng mga nagsisilakihang pangalan sa baryo. Animo'y may pinag aralan nga't walang prinsipyo. Ang aking ama ay may prinsipyo gaya ko rin naman na matapang ang kalooban. Ginising ako ni ama upang alamin kung ano ang ibabayad ko sa kailangan ko at hindi naman ako nag atubiling sumagot sa kanya at pag dakay inabot ang perang dalawang libo ngunit nakikita ko sa mga mata nya ang mga luhang ayaw bumagsak upang di ko masaksihan ang kahirapan sa kanyang nararanasan. Alam ko kahit hndi nya sabihin dahil anak nya ako, bakas sa mukha nya ang hirap ng pagtitiis sa pang aapi ng mga tao sa kanya at sa tuwing nalulugmok at nalulungkot ang kanyang pag-ibig ay gayun din ang nararamdaman ko. Masakit isipin na kami ay apiapihan lamang sa harap ng tao ngunit batid ko na sa ganang kakayahan ay ipinamumungkahi din namin sa lahat na may silbi rin kami sa lipunan. Tinanatong ko ulit sa umaga kung bakit ganito ang pagising sa akin ng tadhana, ano ba talaga ang gustng mangyari sa amin ng panginoon ko. Masakit masaktan sa kamay ngunit mas masakit sa damdamin kung makikita ko ang aking minamahal na nalulungkot, aalis ako sa umaga at maghahanap ng panibagong gawain sa dahilang kinakailangan ang utos ng aking magulang para sa kinabukasan namin. At ng natapos na ay nangyari ang sumunod na araw.. Umaga nanaman at nagmumuni, sa malayong silanganan ay inalala ang nakaraan. Napansin kong maraming mga dalagang naggagandahan, kanilang ipinabungad ang balat ng porselana sa madla, kanila rin namang ipinabungad ang pagpapasikip ng kanilang mga suso. Alam ko ang layunin nila, bakit ka mag mamaganda sa madla kung wala kang motibo at sa may di kalayuan ay may mahangin na ihip sa dakong kaliwa ko at harap. Hindi ko sinadyang makita ang kanilang mga hita bagaman wala akong ginagawa, yumukod ako sa likuran. Pinalilibutan ng maraming dalaga na may mga kolerete sa kanilang katawan, hapit ang damit at hapit ang pantalon, bakas ang magandang hubog ng kanilang katawan, may mga mapupulang pisngi at ang mga labi, may mababangong ligaya. Gusto kong tikman ang isa at pagkatapos ay ang isa rin naman, gusto kong matikman ang sarap ng ligaya sa sandaling oras, isang oras o hanggang limang oras ay ang paghahambog ko. Maalindog ako pag dating sa romansa at pinang gigigilan ko ang babaeng may pamigkis sa susong malaki, habit at bakas ang magandang hubo ng katawan ngunit inisip ko na pagkatrapos kong man na gawin iyon ay anong mangyayari sa akin. Ganun parin at walang magandang mangyayari, mararamdaman mo lang ang ligaya sa sandali ngunit hnidi ang tunay na hinahangad ng magandang puso.

Ayaw ko itong gawin pero narito ang demonyo sa paligid at naghahanap ng kanyang masisila at makakasama sa impierno. Sa kabila ng lahat ng ito, nag titiis ako hanggang makahanap ako ng isang birhen sapagkat siyang kapuri-puri magpakailanman at bukod dito, nais kong baguhin ang kabataan ko at magsimula ng panibaong buhay ngunit humahadlang ang tadhana sa balak kong ito. "Bakit kaba ganyan Alexis?", ito ang tinatanong ng konsensya ko. "Ano ba talaga ang gusto mo, magbagong buhay habang bata pa o magpakasawa muna habang bata pa? sabi mo noon sa sarili mo nais mong magbago pero hindi naman pala natutupad bunsod ng maraming tukso at pagkakaabala sa isip mo". "Tila marami kang gustong mangyari sa buhay mo at hindi mo maintindihan ang mismong nilalaman ng iniisip mo!." Minsang naitanong sa sarili na, "kung mamamatay lamang ako ay ayaw ko namang dumating sa oras na mamamatay ako sa sarili kong kamay". Sinabi ng sarili, "gusto kong ilibing ang aking katawan at mag pahinga na lamang kung wala rin namang akong kabuluhan sa lupa, gusto kong bumalik sa alabok, gusto ko sanang kunin ang kaluluwa ko ng Pangioon ko, gusto kong maging alagad ng kabutihan pag akyat ko sa langit". Malamig sa akin ang gabi, di ko mahawakan ang malambot na hangin, tititig nalang ba ako sa ulap upang makawasan ang patak ng luha at manatili sa mata na lamang? Sa may malapit na tanawan ng bituin sa alangit, ako ay naka tayo at malalim ang iniisip. Parang gusto kong umiyak pero ayaw ko, gusto bang sabihin ng puso ko na walang nag- mamahal sa akin? Ano ba talaga ako sa mata ni ina'y? natatakot ako na sa bandang huli ay pabayaan lang ako ni ina'y at ako'y maging palabo'y sa lansangan (lumuluha..) Pero sambit ng aking dibdib na bago man iyon mangyari ay patatatagin ko ang aking damdamin kahit na walang magmahal sa akin at sarili ko lamang ay lalayo ako at maghahanap ng kasiyahan ko sa buhay. Mariin kon rin namang sinasabi sa aking sarili na may silbi rin naman ako pero tawagin mo ang aking pagalan at darating ako at sa oras na hndi ako mahagilap ninoman ay hindi ko sasadyaing di sumipot sa pagkakataon. Naghanap ako ng binibini ngunit wala akong makita, aking siyang binigyang pansin ngunit hindi ako pinakinggan, ako'y nagpakitang baba ng loob upang masaksihan ng kanyang puso ang aking pakiramdam ngunit hindi pala ito ang naging batayan sa sandali datapwat may mga bagay silang tinatangkilik liban sa mga sinabi ko. Kanilang iniibig ang mga nag gagandahang lalaki, may pera at mayaman, naililibot ng kanyang irog ang irog at nadadala ng mabulaklak na pananalita at nagbubunga ng sandaling saya. O ang tao nga'y may kanya kanyang gusto at ayaw, iniisip ko na sana ay mawakasan ko ang lahat ng ito at mapagtagumpayan ko sapagkat gusto kong maramdaman ang malaking ganti ng langit sakin kung ako man ay sasabak sa kasamaan ng tao. Silang mga tao ay namamata at nang aapi, sabihin man ng kanilang labi o hindi ay marunong akong makiramdam, marunong mahiya at marunong umunawa. Lumapit ako sa dalaga dahil gusto kong mag pahangin, lumayo siya na sa kanyang dahilan at iniisip ay maaari ko siyang bastusin, maaaring nakawan, lumalayo siya dahil hindi nya ako kilala, minamata ako ng kanyang mga mata na parang gusto niyang sabihing "sino ba ito at naririto sa tabi ko, sana umalis kana diyan!" malinaw ang lahat sa akin, iniintindi ko na lamang ang kanilang iniisip sa akin pero ano man ang kanilang ipuna sa pagkatao ko ay malulungkot ako ngunit ang pagkatao ko ay hndi mawawala't magbago man. Ala una ng madaling araw ay nananatiling gising ang aking diwa, nagbabakasakaling may marinig sa sasabihin ng bulong ng isip. Nasaksihan ko ang kasamaan nga, naririto't hindi nalalaman ng marami na may makapangyarihang tao sa lupa at siyang ginagawang bato ang mga pusong puspos ng maka mundong nais. Lulan ng malaking pag-iisip ko ay ang bagabag, bumabagabag sa aking ulo, kinakalabit ng di kawasang pag-gising sa gabi at araw, pinaiikot ng ulo ang katawan sa higaan, hindi makatulog at di malabanan ang walang humpay na lakas ng sariling diwa. Natatakot ako sa kung anong mangyayari sa wakas ng lupa at sa dagat o bago man mangyari ang lahat ng ito ay ipinananalangin na huwag maabutan ng dilim ang mga matang nananalaysay sa liwanag, ramdam ng aking pag-iisip ang bagabag at ang dala nitong gulo sa balat ng alabok, tinatanong sa mismong sarili kung sino ang taong yaon o ano ang gagawin niya sa oras na dumating ang kanyang masayang araw ng pag-dalaw sa mga kaluluwang naninirahan nang buhay. Sarili kong konsensya ang siyang tumatakot sa akin, sa aking kaluluwa, sa aking diwa,.....oh bagabag sa isipan ko; kailan ka mawawala at titigil ng iyong pag-dalaw. May tanglaw ang gabi at may tanglaw ang umaga, sinong papanig sa dilim at sinong papanig sa liwanag? Bagabag sa isipan ko, "malalaman ko ba kung ako'y tulog ay babalik na sa alabok?", "iminumulat ko ang mga mata ko at ako'y bumabangon, isang panibagong araw ang sasapit" Alas dos ng madaling araw, tila sariwa ang gunita ko, walang ihip ng hangin, ni pagkagutom, ni pagka-uhaw, ni antok man ay di ko maramdaman, tanging pawis ang nanalaytay sa aking mukha, nakaupo't nagiisip, natatakot sa sariling higaan, sambit sa sarili, "ayaw ko pang matulog pero hinahamak ako para humimlay na, hinamamak din naman ako upang mag- isip pa", tinanong sa sarili, "ganito ba ang aking kapasidad sa buhay, ganito ba ang takbo ng aking buhay, ganito ba kung papaanong ako ay bigyang bagabag sa isipan ko? ganito ba,ganito ba...?", lahat ng ito ay siya kong tinanong ng walang humpay. Kinapootan ko ang gabi sapagkat ako'y binabagabag ng lalaking yaon, datapwat nalalaman ng sarili na hindi pa tapos ang lahat ng ito. Kinapopootan ko ang gabi ng aking bagabag.

Ang mga sinabi ni Alexis ay ito: "Ang pagbisita mo ay siya kong ikatutuwa, makinig ka sa aking mga bulong ng labi, may mapulang labi, may mabilis na pagtibok ng matikas na dibdib". "Magpahangin ka't magpalamig sa hangin, tumitig ka sa paligid mo at sa mga patay sinding ilaw ng pascua". "Makikita mo ang pita ng iyong laman sa sandaling ikaw ay mag isa't walang magawa, hinahanap ng iyong laman ang panan daliang nais, ang pita ng iyong laman ay nariyan na. "Halina sa aking piling, lumapit ka, hubarin mo ang iyong kasuotan. "Manginig ka sa aking gagawin; ang iyong bulaklak na kung sariwa'y masarap sa dila", "hawakan mo ang aking mga kamay, yakapin mo ang aking katawan at ramdamin ang init sa akin, idikit mo sa aking matikas na dibdib ang iyong malaking dibdib, iparamdam mo sa akin ang iyong kalibugan ng iyong katahimikang basag; tumingin sa mata at nagbabadya ng pangahas na pita ng laman at malalim na pagnanasa". "Iyong basain ang laman, maganda't masarap kung iyong hihipuin"; "hipuin mo pa ng iyong mga kamay ang buo mong katawan,nariyan na; mananatili ang bango sa iyong bigkis sa dibdib; dadamhin ko ang iyong mga hita, ibuka mo at ipakita sa aking mga mata at nangangahas na pita ng aking mga laman. "Halikan mo ako sa aking leeg, sa tenga, sa labi, sa dibdib, sa puson pababa; hayaang isipin ng iyong isipan ang libog, hayaang gawin ng iyong kamay ang ninanais na paghipo sa maselang katawan,… bahala ka". Lalasapin ko ang pawis nating dalawa, magsaya tayo’t huwag hayaang masayang ang oras,; ihiga mo pa ang iyong katawan mahal ko, ang libog ng iyong katawan na kaaya-ayang pagmasdan. “May dilim pa sa ilalim ng buwan at ang buwan ay tila mga mata ng pusa sa pangil ng dilim”. “Marahan kong ipapatong ang nag-iinit kong katawan sa iyo oh dalaga”, masikap kong paliligayahin ka sa gabi ng iyong pagbisita, tikman nating dalawa ang ating libog, pakinggan mo ang bawat uyog at ingay na tumatapik sa balat mo… masarp….ibabaon ko at magbibigay ng mas lalong masarap….masarapnarito na..! narito na…!; oh ang buhay natin, gaya ng isang nagniningas na apoy at pagdakay ubos na ang nakasalang gatong, manghihina ang ningas at tuluyang magdidilim ng kasalukuyan; iyong dagdagan ang kanyang baga at magniningas ng mainit”. “Pagod na ako dalag, ibinuhos ko na ang aking lakas mapaligaya lamang kita oh mahal ko, sa uulitin… sa uulitin pang muli….hanggang sa iyong muling pagbisita oh pita, magpahinga natayo, ipikit na ang mga mata…. ipikit na…”. Malapit nanamang sumapit ang araw ng Pascua, marami nanamang may pera, abala sa mga paghahanda ng panibagong bilihin, mga panibagong kagamitan at gadyet na binalutan ng ibat-ibang dekorasyon at desayn na pang - regalo, panibagong kasuotan, panibagong galaan sa gimikan, panibagong pabango, pitong araw na lamang ay sisibol na kasi ang araw ng Pascua. Sabik na akong makapag-gala kasama ang aking pamilya, o di kaya ay mga kaibigan, ang kanilang irog sa buhay; sa tabing-dagat; mga naggagandahang ilaw, mga ilaw na nakasabit sa bawat punong madaanan at hindi na alintana ang ingay ng mga karwahe’t sasakyan. Sa maynila nga ay maraming nagsisulputang mga kainan at mga parke, madilim man ay masayang pagmasdan dahilan ng dalang ningning sa bawat tanaw ng mga mata. May nalalaman ako na kanilang ginagasta ang mga pera datapwat hndi alintana ang kamahalan ng mga yaon, masasarap na mga pagkain, mga taong dinudumog ang bawat bagay at lugar na sa kanilang mga mata ay dumaraan, iba na ang naaamoy at nararamdaman kong atmuspera. Naririnig ko na ang mga putukan at ningning na sumasaimpapawid at sa kapaligiran, bitbit ng mga murang edad ang mga pulbura’t pangsindi, nagliliwanag ang kalangitan sa gabi, may mga kantahan kasabay ang mga handang serbesa, may mga pulutang dala ang mga kaututang dila, ibinabandera ang ingay mailabas lamang ang nais na kasiyahan; minsanan lamang kasi ito. May nalalaman din naman ako, may mga taong simple lang mamuhay sa bawat taon, sampung pansit kanton na binili ni manang sa tindahan, isang malaking plato nay may ispageti at isang pitsel na may laman ng dyus ang mga ihahanda ni ama at ina’y pitong araw bago sumapit ang araw ng Pascua. Pitong araw bago sumapit ang araw ng Pascua, knikanyang mga ikinakanta ng mga kababaihan at kalalakihan pati narin ang mga batang nasa lansangan ng bawat gabi ay may kanikanyang kantang inihahandog sa bawat kabahayan. “sa may bahay, ang aming bati; meri-krismas na maluwalhati, ang pag-ibig ang siyang naghari, araw-araw ay magiging pasko lagi, ang sandipo napagparito, hihingi po ng aginaldo at kung sakaling kami’y perwisyo, pasensya na kayo kami’y namamasko…… ”, ang kanta ng mga bata sa harap ng bahay.

May naririnig ako ay may nakikita, may nararamdaman ako, at may dalang pasan. Sana nga ay araw-araw ay Pasko, narinig ko ang mga ikinanta na may dalang magandang himig sa aking dalawang tainga. Inisip kong ang tunay na pasko ay wala sa iba, nasa naghihinagpis at pagsa sakripisyong pagbuhos ng dugo sa kanilang mga balat, ginagawang pawis ang bawat dugong nananalaytay kay itay, tinatanong ang sarili, “ano ba talaga ang tunay na araw ng pasko?, may pag-ibig ang bawat isa?, ang pasko ba ay para sa araw lamang ng disyembre?, sinasabi nilang tahimik ang gabi kung pasko at banal ang gabi?”. Nalalaman ko din naman, ginawa nilang ordinaryong oka- syon ang pasko, ginawang okasyon at hindi ginawang parte ng buhay sa araw-araw na pamumuhay, akin ngang narinig, “hmig pasko’y laganap, mayroong sigla ang lahat, wala ng kalungkutan….”,sinabi ko sa sarili, “hindi totoo ito”, may mga taong nananatiling malungkot kahit dumapit ang araw ng Pascua. Sa pagbalik sa nakaraan, nalalaman ko ang himig ng sinasabi ng bawat tao; inihahanda na ang mga pangunahing dadalhin sa araw ng pasko, ipagdidiwang ang araw ng pasko at pagmano kay lolo’t lola, ninong at ninang, kuya at ate, nanay at tatay, batang kapatid, pamangkin at mga inaanak, mga tradisyong hindi mawawala. Batid ko sa aking sarili Alexis, ipagdi- diwang ko ang okasyong ito, nais ko sanang makita lamang ang masasayang tao, nagkakasamang mga pamilya, walang lungkot at tanging saya ang namu- mukadkad sa bawat puso ng marami, nais ko sanang magliwaliw na may dadalang pera, kumain lamang at uminom hindi ng alak, bumili ng gamit na mapapakina bangan sa huli, magbigay ng mga di magagamit na pera o bagay man. Lugod kong ikatutuwa ito ngunit ikalulungkot ko namang wala akong kasama sa paglakbay, ibubuhos ko baga ang aking mga luha dahilang walang kasama sa buhay o titiisin ang kalungkutang yaon hanggang pumanaw ang araw ng Pascua Alexis? Nais ko rin namang matikman ang saya nila na gaya kong walang halos pasko sa damdamin, at may lungkot na bakas sa aking mga mukha. Lumipas na ang mga araw na nagdaan, lumipas na din ang mga kalungkutan, ngunit di ako pinapatakas ng mga ito. Sa aking pagliliwaliw, pilit parin akong ginagambala sa aking pag-iisa, sa isipan ko'y nais kong sabihin na bakit sa lahat ng mga tao na nasa lupa ay ako pa ang napiling gambalain, ginagambala nga ba o may nais iparating sa akin ang langit? Iginigiit ko sa aking sarili na ako'y masaya ngunit nakapasakim ang paligid sa akin, may mga matang nakatitig na di kanais nais, mga mga galaw na di katanggap-tanggap. Liban sa aking paglalakad, may isang lugar akong nakita, isang tahimik na lugar, napakagandang pagmasdan at ito nga, binilang ko ang ilaw sa lugar at ang bilang ay labindalawang ilaw, sa gabi ay napapasailalim ang isang romantikong kulay, sa araw ay napapasailalim ang katahimikan. Binagtas ko ang lugar, lumabas ako at nabilang ko ang mga lakad ko, isang humigit kumulang isang daan at dalawamput walo ang bilang ng hakbang bago ako makarating sa aking parating inuuwian, madalas kong tanawin ang dagat kung saan nais kong magpalipas ng panahon, panahon ng pag-iisa, mga kalungkutan, kasiyahan, pagdaramdam o pighati. Minsan na akong umupo sa harap niyaon at tinititigan ko lamang ang araw hanggang sa pagbaba nito, may liwanang ang kalangitan, napakabuti ang pagbibigay sinag sa karamihan, tuwing tititig ako sa bagay na iyon ay sinasabi ko sa aking sarili na sana ay may taning na ang aking buhay upang maranasan ko ang di kawasang pagpapahinga ng aking katawan, gusto kong humimlay ng mahabang panahon, hindi ko pinananatili ang luha sa aking mga mata bagkus isang patak lamang ay maaari ko nang ilabas ang pighati ng aking puso. Labis kong iniisip na malulungkot lang ako kung mawawala rin lamang ako, ayaw kong iwan ang aking ina at ama, mas tatanggapin kong iwan nila ako at lakbayin ang hirap na kanilang naranasan sa kanilang pagtatanda. May kamalayan sa aking paggunita na aking iniisip, paano kung ako ang mawawala, ano ang kanilang sasabihin? O giliw ko, tulungan akong lampasan ang aking naranasang hirap at pighati, kanila na akong itinataboy sa liwanag, kanila na akong iwinawaksi sa apoy, kung di man ay hndi ako mamamatay nang hindi lumalaban, mas nanaising mamatay kaysa mawala ang aking dangal.

Join my groups!

  • http://thepotentialart.multiply.com
  • http://akosiwil.multiply.com

About Me

Parañaque, NCR, Philippines
a humble guy